Coco Martin sinariwa kung paano ipinagdiriwang ang Pasko noong kabataan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin sinariwa kung paano ipinagdiriwang ang Pasko noong kabataan
Kiko Escuadro
Published Dec 02, 2017 06:14 PM PHT

Abala at puspusan pa din sa trabaho ngayon ang Idolo ng Masa na si Coco Martin para sa kanyang pelikulang Ang Panday na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa pelikula, hectic din ang schedule ni Coco dahil sa araw-araw na taping ng kanyang top rating primetime teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

Dahil sakto sa araw ng kapaskuhan ipapalabas ang Ang Panday, muling inalala ni Coco ang kanyang kabataan tuwing sasapit na ang araw ng Pasko.

Sa naging panayam na ito ng PUSH at ni Jeff Fernando ng ABS-CBN news, inilarawan ni Coco kung paano nila ipinagdiriwang ang Pasko noong wala pa siya sa showbiz.

"Masaya ang pasko namin e, kasi every Christmas magkakasama kami. Compound kasi kami e kasama mga pinsan ko. Sasakay kami ng jeep tapos pupunta kami sa Fiesta Carnival, pupunta kami sa COD (Cubao) manunuod kami ng mga display. After that yung mga tita namin, reregaluhan kami ng mga laruan tapos pag Christmas na pumupunta kami sa mga kamag-anak namin. Namamasko kami," sabi ni Coco

Naalaala din ni Coco ng mga laruan na nais niyang makuha noon na hindi niya nabibili.

"Marami yun yung mga Voltron, mga Voltes 5. Kasi uso yon that time nung bata kami e medyo mahal. Hindi namin afford yun kaya pag nakikita ko siya ngayon, gustong-gusto ko siya i-collect," kuwento ni Coco.

Dahil bumubuhos na ang blessings ngayon kay Coco, binubuhusan din daw ng aktor ng pagmamahal ang kanyang mga pamangkin.

"Ngayon sa mga pamangkin ko, kung ano yung nakikita ko kung ano yung nakakapagpasaya sa kanila yun ang binibigay ko. Kasi alam ko ang pakiramdam nung bata ako," ani ni Coco.

At ngayong sasapit na muli ang kapaskuhan, isa lang daw ang tanging Christmas wish ni Coco para sa kanyang pamilya.

"Regalong materyal, Wala. Yung time na maka bonding yung family ko at makapag sama-sama kami kasi yun ang importante, yun ang hindi ko maibigay sa kanila ngayon dahil sa sunod-sunod trabaho. Yun siguro ang pinakamagandang gift na gusto kong makuha ngayong pasko," pagtatapos na pahayag ni Coco.

Mapapanuod ang Ang Panday sa pagbubukas ng 2017 Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.

Read More:
Coco Martin
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT