Robi Domingo, inaming naiinggit sa mga classmates na doctor na ngayon

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robi Domingo, inaming naiinggit sa mga classmates na doctor na ngayon

Leo Bukas

Clipboard

Galing sa family of doctors ang TV host na si Robi Domingo. Ang mom niya ay isang pediatrician, ang dad ay surgeon at ang lolo niya sa Bacolod ay ophthalmologist.

Ayon kay Robi, gusto niya sanang i-pursue noon ang Medicine kaso nga napasok siyang bigla sa showbiz.

“Before I was really serious. Ang pre-med ko kasi is Health Sciences in Ateneo before, I was really prepared to go to Ateneo School of Medicine Public Health.

“Ang nangyari lang, kinausap ako ni Direk Lauren (Dyogi), sabi niya sa akin, just take a year off. Eh, binigay po yung PBB (Pinoy Big Brother), after PBB nagdire-diretso na po. Nagkaroon ng The Voice, Dance Kids, I Can Do That, then I’m so blessed, I’m just so lucky,” kuwento ni Robi nang huli siyang makausap ng PUSH.

ADVERTISEMENT

Wala ba siyang regret na hindi siya naging doctor?

Ani Robi, “I had that episode in my life na nagkaroon po ako ng quarter life crisis kasi lagi kong tinatanong, ‘Ito na ba talaga yung pupuntahan ko?’ Pero you just have to be happy with the things happening in your life, eh.

“Sometimes, you just have to accept things and hashtag blessed ka, eh, yon na yung iniisip ko palagi, eh. Kung yon ang path na binigay sa akin ni Lord, you have to embrace it.”

Hindi naman naitanggi ni Robi na naiinggit siya sa mga dating classmates na ngayon ay professional doctors na.

“Siyempre may inggit. Kasi, magulang ko doctor, tapos sila… Actually, nag-bonding kami, hinihintay na nila yung resulta tapos makukuha nila yung license nila at naka-white coat pa sila. Yung iba pa nga don nangongopya sa akin dati, eh, ngayon doctor na.

ADVERTISEMENT

“So, medyo nainggit ako ng slight. Pero iniisip ko, kung sila naka-white coat, ako naka-black coat naman pag Star Magic Ball,” natatawa niyang reaksyon.

Aminado rin ang binata na dahil naranasan niya na kumita agad ng pera kaya hindi na rin niya iniwan ang pagho-host kapalit ng pag-pursue ng kanyang unang ambisyon.

“Mas naging practical sa buhay siguro. Yon ang perfect na ginamit na term ng nanay ko,” rason niya.

Dagdag pa ni Robi, “Naging praktikal lang ako, pero kasi sa kadulu-duluhan ng araw, naisip ko, it’s all about passion, eh. And the willingness to help other people. Eto naman (hosting), nalaman ko na ang dami palang natutuwa, nanonood ng YouTube, ASAP, para lang ma-uplilft yung pakiramdam nila.

“Pag napatawa mo sila sa TV or sa event, parang malaking bagay na sa akin yon,” katwiran pa ng TV host.

ADVERTISEMENT

Very supportive naman daw ang parents niya sa kanyang endeavor sa showbiz world.

“They’re supportive naman, very supportive. Kung saka-sakaling hindi ako mag-doktor, maghanap na lang daw po ako ng doctor,” pabiro niyang pagtatapos na sinundan nang malakas na tawa.

Read More:

Robi Domingo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.