Eric Quizon at Zia Quizon ibinahagi ang mga alala sa kanilang namayapang kapatid na si Dino Quizon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Eric Quizon at Zia Quizon ibinahagi ang mga alala sa kanilang namayapang kapatid na si Dino Quizon

Jeff Fernando

Clipboard

Isang malungkot na social media post naman ang ibinahagi ng actor-director na si Eric Quizon tungkol sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Dino Quizon.

Si Geraldo ‘Dino’ Quizon ay isa apat na anak ni late Comedy King Dolphy sa dating aktres na si Gloria Smith.

Sa Facebook post ni Eric, sinariwa ng aktor ang kanyang huling ala-ala sa kapatid.

“I took a selfie with my brother Dino last June 6,2017. I never thought that it my last picture with him. It is difficult to understand death - what it means to the dying and what it means to the loved ones who will be left behind,” salaysay ni Eric.

ADVERTISEMENT

Bahagi din ng nasabing post ng aktor ay ang pagtanggap sa biglaang pamamayapa ng kapatid.

“Maybe some things are not meant to be understood. Maybe we just need to accept no matter how difficult it is. To quote JK Rowling in the Harry Potter series: 'It is the unknown we fear when we look upon death and darkness, nothing more.'” sabi pa ni Eric.

Marami din daw mami-miss si Eric na mga bagay na kanyang namayapang kapatid.

“Rest in peace my dear brother. I will miss your jokes and quick math skills . You will always remain in my heart.”

Bukod kay Eric, ibinahagi din ng singer na si Zia Quizon ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sa social media post ni Zia, ibinahagi nito ang isang espesyal na bagay na ipinamana sa kanya ng kanyang kuya.

Goodbye, Kuya Dino. I still can't believe you're gone. You were still so young and had so much living left to do. And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other's arms. We know you missed him dearly. And now we'll all miss you. Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon. Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo saakin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya saakin. Na sa may bintana. Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nagaabang. Ngayon, magaabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita. Na makapagpaalam ng maayos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo.

A post shared by ziaquizon (@ziaquizon) on

Samantala, Hindi naman inilahad pa ng magkakapatid na Quizon ang dahilan at iba pang detalye ng pagkamatay ng kanilang kapatid.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.