Jake Zyrus nagbigay kuwento sa pinagdaanang depresyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jake Zyrus nagbigay kuwento sa pinagdaanang depresyon

Jake Zyrus nagbigay kuwento sa pinagdaanang depresyon

Kiko Escuadro

Clipboard

Sa naganap na media conference ng singer-performer na si Jake Zyrus para sa kanyang birthday at tenth year anniversary concert, ibinagi ni Jake ang kanyang napagdaanan na matinding pagod at depression.

“I've been there, yung talagang emotionally and physically pagod ka talaga, mahirap talaga. Hindi pa naman po ako naka-experience na mag-walkout,” bungad ni Jake.

Aniya, na-burn out din siya sa sunod-sunod na trabaho at lagaring schedule para kumita.

“Pero ako, sa totoo lang, for example kung talagang alam kong physically and emotionally hindi ko kaya, knowing myself, maaari siyang mangyari. But not intentionally mong gagawin yun. Mangyayari lang yun kung talagang puno na. Kumbaga, you know to yourself na puno na, exhausted ka na,” sambit ng singer.

ADVERTISEMENT

Naging example pa ni Jake ang international singers na nagka-cancel ng shows kapag hindi kinakaya ang kanilang kundisyon.

“Minsan di ba, like sina Celine Dion, Mariah Carey, sometimes they cancel shows kapag hindi nila kaya. Yun ang kailangang intindihin ng mga fans dahil ako, fan din ako. Yun ang kailangang intindihin, kaysa naman talagang mapagod ang isang singer. Napakahirap, napakahirap talaga,” ani pa ni Jake.

“Kung talagang alam ng isang singer na hindi mo kaya, it's okay. I guess in the future, ang daming matututunan na kapag hindi mo kaya, mas better na i-move mo o mas better na i-cancel mo kaysa mapupuno yung heart and mind mo na mapapagod pareho.”

Magaganap ang Jake Zyrus Music & Me concert ngayong May 25 sa Sky Dome ng SM City North EDSA.

Read More:

Jake Zyrus

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.