Bakit tumanggi si Vice Ganda makipag-selfie sa fans?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit tumanggi si Vice Ganda makipag-selfie sa fans?
Kiko Escuadro
Published Jun 01, 2018 06:13 PM PHT

Looking forward ngayon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa seventh year anniversary ng Gandang Gabi Vice sa darating na Linggo, June 3.

Kuwento ni Vice, special episodes ang binubuo niya ngayon kasama ang buong team ng GGV.

“Dito sa anniversary episode ng GGV nagmukhang ako yung guest, hindi ako yung host so yung mga nag-interview sa akin si Tito Boy Abunda, Si Sir Gus Abelgas. Tapos may isang segment na sobrang saya yung dugtungan kasama ko sina Ethel Booba at K Brosas na sobrang nakakatawa.”

Dahil sa todo-todong pagbibigay katatawanan at pakikipagkuwentuhan, ipinaliwanag ni Vice ang kanyang naging tweet kung saan humingi siya ng paumanhin sa mga fans na hindi niya napagbigyan ng selfie bagkus yakap nalang muna ang naisalubong niya dito.

Sobrang pagod after taping GGV ANNIV episode. Pasensya na sa mga fans sa labas ng resto na pinakusapan kong pass muna sa paselfie at hug na lng kasi pagod n tlga ko. Thanks for understanding! Bawi ako next time.
— jose marie viceral (@vicegandako) May 30, 2018

“After kasi ng taping kahapon gusto ko nang kumain at umuwi tapos paglabas namin sa ABS, kumain kami sa isang Korean restaurant tapos napansin ko dumadami na yung fans na nag-aabang sa labas so paglabas ko nakiusap ako eh siyempre lahat gusto mag-selfie. Sabi ko, ‘Pasensya na ha. Pagod na pagod lang talaga ako. Pagbigyan niyo muna ako ngayon hug na lang. Kasi hindi ko na kaya magpa selfie babawi ako next time,’” sabi pa ni Vice.

Kahit na sunod-sunod na trabaho man daw ang kanyang ginagawa ngayon, aminado si Vice na hindi niya pinababayaan ang kanyang kalusugan.

“Ay hindi, kaya nga gusto kong itinutulog ko siya ngayon. Pero siyempre humaharap pa din naman ako hindi naman pwede yun. Kailangan masaya lang ako palagi,” pahayag pa ni Vice.

Bukod sa pasabog episode ng GGV, ibinahagi din ni Vice ang pag-umpisa ng kanyang team sa pagbuo ng kanyang entry para sa 2018 Metro Manila Film Festival na ikaliligaya ng kanyang mga taga subaybay ngayong darating na Pasko.