Sarah Geronimo, nagpasalamat sa LGBT+ community sa pag-viral ng ‘Tala’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sarah Geronimo, nagpasalamat sa LGBT+ community sa pag-viral ng ‘Tala’
PUSH TEAM
Published Dec 27, 2019 09:37 PM PHT

May apat na taon na mula nang ilabas ni Sarah Geronimo ang kanta niyang “Tala” ngunit nitong taon lamang naging viral dance craze ang kanyang kanta.

Ang G-Force naman ang tumulong sa Popstar Royalty na mag-choreograph ng sayaw para sa “Tala” at pinasaya naman nila ang netizens nang ibalita nilang magkaka-”Tala 2.0” na.

Malaki naman ang pasasalamat ng G-Force original choreographer na si Georcelle Dapat-Sy sa pagtangkilik ng netizens sa “Tala” at sinabing “Gawa tayo ng something new!” sa isang video na pinost ng G Force YouTube channel.

“New version, level up version! Secret pa. Abangan niyo ‘yan!” dagdag naman ng G-Force dancer na si Gelai Aguzar.
“New version, level up version! Secret pa. Abangan niyo ‘yan!” dagdag naman ng G-Force dancer na si Gelai Aguzar.
ADVERTISEMENT
Inalala naman nila ni Sarah na sa old dance studio pa nila noon nila pinag-isipan ang dance steps ng “Tala.”

“Sa LGBT community, talagang tinangkilik nila itong song na ’to pati ’yung choreography,” ani Sarah.

Hindi naman nakalimutan ni Sarah batiin ang kanyang impersonator na si Bench Hipolito na kadalasan ay pine-perform ito sa kanyang gigs.

“At si Bench! Bench Hipolito na lagi niyang pine-perform ito sa O Bar. Thank you Bench,” sambit ng Popstar Royalty.

Panoorin ang buong mensahe dito:
Panoorin ang buong mensahe dito:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT