Asawa ni Matt Evans, arestado sa kasong estafa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Asawa ni Matt Evans, arestado sa kasong estafa

PUSH TEAM

Clipboard

Inaresto ng Makati City Police ang asawa ni Matt Evans na si Riza Katrina Evans nitong Huwebes, Disyembre 5, sa kasong estafa.

Ayon kay Makati City Police chief Col. Rogelio Simon, pansamantalang nakalaya si Evans matapos magpiyansa na nagkakahalagang P30,000.

Ayon naman sa ulat ng Inquirer.net isinampa ni Arran Lester Galvan ang kaso laban sa asawa ng aktor matapos niya itong hikayatin na mag-invest umano sa isang production company.

Nakalagay din sa reklamo ni Galvan na panloloko umano ito dahil hindi pala siya konektado sa nasabing production company at wala rin daw pahintulot ang kumpanya na mag-solicit si Evans.

ADVERTISEMENT

Nito lamang Oktubre ay inamin naman ng aktor na kasalukuyan nilang hinaharap ang problemang pinansyal matapos silang ma-scam sa halagang aabot sa halos P6 milyon.

“Parang sa amin lang andyan na 'yan e, pinagpasa-Diyos mo na, pero kailangan mo pa rin kumilos,” ayon kay Matt.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.