Francine Diaz, matinding hirap ang pinagdaanan at breadwinner na ng pamilya simula nang siya ay 10 years old
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Francine Diaz, matinding hirap ang pinagdaanan at breadwinner na ng pamilya simula nang siya ay 10 years old
Cristina Malonzo-Balane
Published Aug 27, 2019 09:43 PM PHT

Sa Rated K, katulad ng character niyang si Cassie sa hit seryeng Kadenang Ginto, hindi rin naging madali ang lahat sa buhay ni Francine Diaz. Binalikan ni Francine ang ilan sa mga hirap na pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya. “May mga araw na natutulog na lang kami dahil wala kaming pambili ng pagkain. Baon din kami nun sa utang dahil sa pagkain,” kwento ni Francine.

May mga oras din daw na hindi siya nakakapasok. “Yung baon ko po ibinibigay ko sa maliliit kong kapatid, para may pambaon sila. Tapos ako naman po yung aabsent,” ani Francine.

Bukod sa mga nabanggit, may mga panahon rin na wala kahit gamit sa katawan si Francine. “Dati po kasi, di na kami nakakabili ng pang shampoo namin. Yung sabon panglaba ni Mama… yun na po ang ginamit kong shampoo saka sabon ko sa katawan,” ayon sa young actress.

Mabuti na lang daw at isang araw na-discover si Francine ng isang talent scout. Dito daw nagsimula si Francine magkaroon ng maliliit na roles sa teleserye. “Gusto kong tumulong sa family ko. Ginagalingan ko sa bawat audition. Yung pamasahe namin papuntang audition, inutang pa,” sabi ni Francine.

Nagkasakit din ang tatay ni Francine kung kaya siya na ang tumayong breadwinner ng kanyang pamilya simula 10 years old siya. “Kasi po nagkakaedad na din siya and high blood siya… gusto ko na tumutulong ako,” giit pa ng bida sa Kadenang Ginto.

Biggest break diumano ni Francine ang Kadenang Ginto kung saan isa siya sa mga bida bilang Cassie Mondragon. Malaki na din daw ang pinagbago ng buhay ngayon ni Francine kumpara noon. “Sobrang laki po ng pinagbago… ngayon po kahit kelan namin gusto kumain, nakakakain na kami,” aniya.