Bahay ni ‘Miss Everything’ winasak ng bagyong ‘Ambo’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahay ni ‘Miss Everything’ winasak ng bagyong ‘Ambo’

Kiko Escuadro

Clipboard

Isa ang social media sensation na Ericka Camata o mas nakilala bilang si “Miss Everything” sa mga labis na napinsala sa pananalasa ng bagyong Ambo.

Sa social media post ni Miss Everything, makikita ang kaniyang Facebook posts kung saan bumabayo ang malakas na hangin sa kanilang bayan sa Calbayog, Western Samar.

Sa kabila ng takot dulot ng malakas na hangin dala ng bagyong Ambo, nagawa pa din ni Miss Everything na maging positibo habang ibinabahagi ang update sa kanilang lugar sa kanyang followers.

Matapos ang pagbayo ng malakas na hangin, makikita ang naging pinsala sa tahanan nina Ericka kung saan natuklap ang halos kabuuan ng kanilang bubong.

ADVERTISEMENT

“Our home” kasunod ang broken hearted na emoji update pa ni Miss Everything. “We our safe, no worrying everyone” kasunod ang heart emoji.

Our home💔💔💔💔💔💔 We our safe no worrying everyone ❤

Posted by Ericka Maribojoc Camata on Thursday, 14 May 2020

Hindi naman nakitaan ng panghihina si Ericka kung saan nagawa pa din niya gumawa ng Tiktok video sa kanilang tahanan na natuklap ang bubong.

No mattering what always strong 💪💪Keep safe everything 😭😭

Posted by Ericka Maribojoc Camata on Thursday, 14 May 2020

Nakilala si “Miss Everything” dahil sa kaniyang nakakatuwang mga videos sa social media na pumatok lalo dahil sa kaniyang baluktot na pagsasalita ng wikang Ingles.

Sa ngayon, patuloy ang pananalasa ng bagyong Ambo sa ilang parte ng bansa na sumabay sa hamon sa laban sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.