Radio host Mr. Fu, ibinahagi ang traumatic experience nang ma-trap sa elevator | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Radio host Mr. Fu, ibinahagi ang traumatic experience nang ma-trap sa elevator

Radio host Mr. Fu, ibinahagi ang traumatic experience nang ma-trap sa elevator

Jeff Fernando

Clipboard

Isinalaysay ng radio and tv personality na si Fu Espiritu ang kanyang traumatic na karanasan sa elevator sa tinitirahan na condominium.

Sa Facebook post ng radio personality, ikinuwento niya ang pagkaka-ipit niya ng 20 minuto sa elevator habang nasa 35th floor ng gusali.

“Ipinahamak ako ng elevator na ito sa Summit One Tower kanina habang papunta sa aking radio show. Na-trap ako mag-isa nang halos 20 minutes. Walang fan. Walang hangin. Sira ang intercom kaya no chance na makakausap ang lobby guard. Siyempre no signal ang aking mobile phone,” kuwento ni Mr. Fu sa post.

Laking pasasalamat rin ng radio personality sa tulong na dumating mula sa ingay na kanyang ginawa habang nasa loob ng tumirik na elevator.

ADVERTISEMENT

“Sumigaw na ako habang hinahampas ang elevator door. May nakarinig mula sa 35th floor. Salamat sa iyo. Salamat kay SG (security guard) Igban na rumesponde para marescue ako. Salamat din sa dasal na ginawa ko. Dasal levels na as in?! Pero traumatic din pala ha. Traumatic din pala?! Matagal nang inirereklamo ang elevator. So sino po mag-aadjust?” pahayag ni Mr. Fu.

Umaasa si Mr. Fu na maging maayos na ang elevator unit sa kanilang building upang Hindi na maulit ang insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.