Candy Pangilinan, mas naging malapit sa anak na si Quentin nitong lockdown

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Candy Pangilinan, mas naging malapit sa anak na si Quentin nitong lockdown

Pau Benoza

Clipboard

Isa sa mga bagay na ipinagpapasalamat ni Candy Pangilinan sa kabila ng pandemya ay ang pagiging mas malapit niya sa nag-iisang anak na si Quentin.

Ito ang ibinahagi ng aktres nang kumustahin silang mag-ina sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Mayo 20.

"Ay okay naman kami. Mas naging close kami," ani Candy, na ibinahagi rin kung paano nila kinakayang mag-ina ang lockdown.

"Nakakaimbento kami ng mga dapat gawin. Kahit na hindi namin dapat gawin, ginagawa namin. Alam mo yun. Naging creative kami sa mga gawaing bahay. Dati naman 'di naman niya ginagawa, ngayon pinagagawa ko na sa kaniya," kuwento niya.

ADVERTISEMENT

Sa programa, ipinakita ni Candy na live via Zoom ang anak, na masayang bumati sa mga host na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal.

Bago magtapos ang kaniyang panayam, ibinahagi ng aktres ang kaniyang nakakaantig na mensahe para sa anak na may autism.

"For Quentin, thank you very much for being you. Maraming nagtatanong sa akin, kung uulitin ko raw ang buhay ko, kung okay lang na si Quentin ulit ang maging anak ko, yes. Ayos lang. Okay lang. Tanggap ko na. Parati ko ngang sinasabi na Quentin is my ticket to heaven, and I think more than na binago ko ang buhay ni Quenin, I think binago ni Quentin ang buhay ko," ani Candy.

Si Quentin ay anak ni Candy sa dating asawa na si Gilbert Alvarado.

Kamakailan lamang ay naging bukas si Candy tungkol sa kaniyang karanasan bilang ina ng batang may special needs.

Sa panayam ng host na si Toni Gonzaga para sa kaniyang vlog, sinabi ni Candy na itinuturing niyang "miracle" ang anak na si Quentin.

"He's my ticket to heaven. Kasi grabe 'yung tinuro niya sa 'kin. 'Yung pasensya, 'yung tolerance, tsaka 'yung to live simply. 'Yung ang simple ng buhay. Sobra siyang grateful and appreciative of simple things. Dati kasi, ako kailangan mo akong i-impress. Ngayon hindi na. Simple lang, nakakatuwa," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.