Nikko Natividad on doing back-to-back projects: ‘Uhaw ako sa trabaho’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nikko Natividad on doing back-to-back projects: ‘Uhaw ako sa trabaho’

Rhea Manila Santos

Clipboard

After returning to acting this year in the drama series Init Sa Magdamag, Nikko Natividad received another unexpected blessing with his first lead role in an acting project in the new sitcom GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kung wala itong trabaho na ito hindi ko alam kung anong mangyayari. Lagi kong pinagdadasal sa Diyos na hindi man ako yumaman or hindi man ako maging successful sa buhay, huwag lang kaming bumalik sa dati nung wife ko, yung partner ko, sa dati naming buhay na walang wala. So masaya ako kasi pinapabawi ako ni Lord eh. Sabi ko sa kanya, ‘Lord, pagurin mo ako. Kung ma-bu-burnout ulit ako sige.’ Na-miss ko ‘to eh, yung ma-burnout sa trabaho. Kasi mas okay ito kesa sa walang ginagawa di ba? Lalo sa panahon ngayon at kahit hindi naman pandemic uhaw ako sa trabaho kaya nagpapasalamat ako sa buhos ng biyaya,” he shared during the GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes mediacon.

Being part of a show that is director Don Cuaresma’s homage to the iconic ‘90s sitcom Palibhasa Lalake, Nikko said he has been a longtime fan of Pinoy sitcoms growing up.

“Nanunuod ako ng mga sitcom. Mahilig ako manuod kahit bago pa nitong project na ‘to, kahit pa nung bata pa ako, yung Kool Ka Lang, Beh Bote Nga, yun mga dati. Kaya natatandaan ko kahit yung mga pelikula din datii nila Babalu mahilig ako sa ganun. Pinanuod ko yung Palibhasa Lalake din, dito parang Joey Marquez yung peg ko dito eh. Parang malapit din sa character talaga at siyempre kung kagaya sa Palibhasa dito may pumapasok na guest na magaganda at seksing babae. Aba eh meron din kami at laging pabor sa akin yun. Inborn na sa akin yung pagiging maharot at madaldal. So kailangan ko lang talaga ng kabatuhan din ng makulit para mas lumabas pa yung pagiging maharot ko. Yan yung dapat niyong abangan,” he shared.

ADVERTISEMENT

As a doting father and boyfriend, Nikko said his social media persona is not much different from real life.

“Ganun din talaga ako kahit sa harap ng partner ko, sa anak ko. Maharot ako, yun yung pinagmamalaki ko na meron ako siguro . Yung sense of humor na binigay sa akin ng Diyos kaya masaya ako na shini-share ko yun sa social media kasi kapag nakakabasa ako ng good comment, nawawala yung anxiety ko at depression na pinagdadaanan,” he said.

When asked to give advice to those who might be thinking of starting a family early like him, Nikko said, “Kung ready ka na magkaroon ng pamilya at [may] income, happy ka dito. Pero minsan kasi hindi ka pa ready tapos bigla ka magkakaroon ng pamilya tapos pinipilit mo pagsabayin yung pagbabarkada or pagliliwaliw, yun ang mahirap. Masaya na ako. Sobrang happy,” he added.

With his new show showing the lighter side of life, Nikko shared how he deals with bad vibes and what makes him and his family happy under the new normal.

“Kapag may trabaho alam mo naman yan, kapag may nag-i-inquire, kapag magkakaroon daw ako ng taping, siyempre after ko sa lock-in taping may pera ako nun, nakakapasyal kami ng mag-ina ko. Alam mo yun, parang we live like a king. Parang masaya lang ako kapag may trabaho. Ang nakakapag-bad vibes sa akin, kasi I’m politically inclined eh. Joke lang. Yung mga nangyari lang din dito sa Pilipinas na nakakalungkot pag nanunuod ako ng news. Naaapektuhan din talaga ako kasi pag ganito ganito lang ako sa mga social media posting ko pero naaapektuhan din ako sa mga nangyayari sa Pilipinas talaga,” he added.

New digital series GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes stars Jerome Ponce, Nikko Natividad, and Dave Bornea as well as Wilma Doesnt, Elsa Droga, and Carmi Martin. It is now available for streaming on Puregold Channel’s Facebook and YouTube pages.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.