Kim Molina at Jerald Napoles, ibinuking kung ano ang ayaw na ayaw nila sa ugali ng isa’t isa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kim Molina at Jerald Napoles, ibinuking kung ano ang ayaw na ayaw nila sa ugali ng isa’t isa

Leo Bukas

Clipboard

Inamin nina Kim Molina at Jerald Napoles na hindi perpekto ang kanilang eight-year relationship. In fact, naghiwalay na raw sila noon pero hindi nga lang masyadong napabalita.

Sa naganap na presscon ng bagong pelikula ng celebrity couple sa Viva Films na Girlfriend Na Puwede Na ay naikuwento ni Jerald na ilang beses na raw silang nag-break ni Kim.

Pero ayon sa aktor, wala silang naging matinding away ni Kim. Basta na lang daw nila napagdesisyunan ni Kim na magkanya-kanya muna ng landas at magsolo para na rin sa kanilang mga personal na issue.

Ang maganda raw sa nangyari, pagkatapos ng tatlong buwan ay nagkabalikan din sila.

ADVERTISEMENT

Eh, ano nga ba ang gustung-gusto niya kay Jerald?

“Pareho po kami ni Jerald, eh. Parang ako yung babaeng version niya tapos siya yung lalaking version ko. We like the same things, we have the same goals.

“Pareho lang po talaga kami. The pandemic was hard for us but at the same time pinagsama kami and it made us stronger,” paliwanag ni Kim.

Eh, ano naman ang ayaw niya sa ugali ng boyfriend?

“Ano ba? Kami naman po kasi ni Jerald madami po kaming ayaw sa isa’t isa. Nagka-clash talaga kami all the time. But we have this thing every night before we go to sleep na dapat lagi naming pinag-uusapan kung ano yung grateful kami for that day.

ADVERTISEMENT

“So everything, kahit masakit yung ulo namin sa isa’t isa, nate-turn around siya because we always see the light of every darkness we had that day,” sabi pa ng aktres.

Sey naman ni Jerald, “Ako naman, nakahanap ako ng katapat ko kay Kim. Yon ang gusto ko at yon din ang ayaw ko kay Kim. Yung mga qualities ko sa sarili ko na ayaw ko meron din si Kim.

“So pag nakikita ko, naiinis ako, pero pag naiiinis ako nai-imagine ko na naiiinis ako sa sarili ko kasi parehas kami ni Kim. So dahil don, nagiging aware ako. Pag nakita mo yung ugali mo sa ibang tao na ayaw mo, nagiging aware ka. Very thankful ako dahil nakita ko yung mga ganun kay Kim.”

Ang Girlfriend Na Puwede Na ay pangalawang mainstream movie ni Kim na ipapalabas sa mga sinehan pagkatapos ng blockbuster film na ipinalabas bago mag-pandemic. Reunion movie nila ito ng Darna direkor na si Benedict Mique dahil nagkasama na sila noon sa pelikulang Momol Nights na ipinalabas sa iWant.

“This is my second time with him as we did Momol Nights before. I’m happy to be reunited with him as he listens to the suggestions of his actors para mas mapaganda ang movie,” kuwento ni Kim about Direk Benedict.

ADVERTISEMENT

Sasagutin sa  movie ang tanong na, “Para makapag-settle down, willing ka bang mag-settle for less? O magiging matapang ka ba at tatalikuran ang nakakapagod at nakakaubos na relasyon dahil alam mong mas deserve mo ng more?”

Bukod kay Kim at Jerald ay kasama rin sa pelikula si Gab Lagman na balik sa wholesome project pagkatapos magpaseksi sa pelikulang Bula.

Catch Girlfriend Na Pwede Na on January 18, 2023, in cinemas nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.