Dahil sa kaniyang image, Xyriel Manabat handa ba sa sexy roles?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dahil sa kaniyang image, Xyriel Manabat handa ba sa sexy roles?

Francisco Juniour Escuadro

Clipboard

Balik-eksena ngayon para sa upcoming Kapamilya series na Dirty Linen ang former child star na si Xyriel Manabat. 

Sa naganap na advanced screening ng nasabing Kapamilya series, isa sa rumampa sa red carpet si Xyriel kung saan nakapanyam siya ng PUSH at iba pang miyembro ng entertainment press. 

Sexy and fierce ang image ni Xyriel na malayo sa nakasanayang hitsura niya noong siya ay nagsisismula sa showbiz industry bilang child actress. 

Ayon kay Xyriel, wala siyang ibang pinaghahandaan na role pero ito na aniya ang kaniyang “Version 2.O” na malayo sa naksanayang child actress image.

ADVERTISEMENT

"Siguro po, hindi naman po sa pinaghahandaang iba. Siguro iba lang siya kasi 'yung nakasanayan po nila is 'yung batang Xyriel so siguro ngayon, mas open and real na version ko po," aniya.

Dahil sa kaniyang new image ngayon, hindi malayo na maitanong kay Xyriel kung handa na rin nga ba siya tumanggap ng sexy roles na nauuso at napapanood sa iba't ibang digital streaming platforms. 

"Ah no po!" mabilis na sambit ng Kapamilya star.

Para kay Xyriel na ilalarawan ang kaniyang image as liberated, hindi ito nangangahulugan na handa na siyang tumanggap ng sexy roles.

"Hindi naman po siya liberated, more on hindi lang takot or conservative as what with usual tradition po sa Filipino culture, pero hindi naman po sobrang liberated na wild talaga," ani former child star. 

ADVERTISEMENT

Dahil nasa hustong edad na ngayon, inamin ni Xyriel na nakatanggap siya ng offer na gumawa ng sexy roles na agaran din niyang tinanggihan.

"Mayroon po," reveal ni Xyriel.

Aniya isa sa mga naging konsiderasyon ni Xyriel sa pagtanggap ng project ay ang role at ang kaniyang management team bilang isang Star Magic artist. 

'"Siyempre po, kailangan pa rin i-consider sa Star Magic and for me, if kaya ko naman bigyan ng justice ang role, wala naman pong mali, if part siya ng role and hindi 'yung pinilit lang just to be sexual and if it’s part of the role or the star, sure. Pero kung dahil pa-sexy or sexual lang parang hindi po," pahayag pa nito sa panayam. 

Sa ngayon, looking forward si Xyriel sa kaniyang comeback projects na aniya ay labis na niyang na-miss. 

ADVERTISEMENT

Taong 2010 at 2011 nang bumida si Xyriel sa kaniyang hít Kapamilya series noon na Momay at ang 100 Days To Heaven.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.