Coco Martin handa nang bumuo ng sariling pamilya kaya nagpapatayo na ng bagong bahay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin handa nang bumuo ng sariling pamilya kaya nagpapatayo na ng bagong bahay

Leo Bukas
Published Jan 24, 2023 07:12 PM PHT

Kahit sikat na sikat ang Kapamilya actor na si Coco Martin at huwaran siya ng ibang mga artista sa industry ng showbiz ay hindi talaga pumapasok sa isip niya ang kasikatan. Ayon sa aktor, lahat ng ginagawa niya sa showbiz ay bahagi lang ng kanyang trabaho.

Nakausap ng PUSH si Coco sa media appreciation lunch ng Ritemed sa Luxent Hotel nitong Lunes, Enero 23, ng tanghali. Si Coco ang bagong mukha ng Ritemed at magpapatuloy sa mga nasimulang misyon ng yumaong Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces.

“Yung totoo, ang tingin ko lang po dito talaga sa ginagawa ko ay trabaho lang. Hindi ko ninanamnam yung estado or whatever na sinasabi nila sa akin. Kasi naniniwala ako na bago ako pumasok sa trabahong ito, mulat na ako sa maaari kong kahantungan,” simulang pahayag ni Coco.

Patuloy ng aktor, “Kaya marami rin akong mga kaibigan na mga veteran actors kasi lagi kong inaaalam o kinukumpara yung buhay ko sa kanila na sila yung magiging magandang halimbawa para sa akin. Kung meron man silang pagkakamali sa mga karanasan nila sa buhay, yon yung nagiging aral po sa akin.

“Ba’t kailangan ko pang ma-experience yon o madapa ako sa isang bagay kung may tao ng nag-guide sa akin o nagkuwento na sa akin ng naging pagkakamali ko o pagkukulang ko? Sa mga ganung aspekto natututo na po ako.

“Kaya ngayon po sa estado ko, ang tingin ko lang dito, sabi ko nga, nagtatrabaho lang ako. Kung ano yung kailangan kong gawin, kung ano yung maibibigay ko. Pero after pag uwi ko ng bahay normal akong tao.”

Hanggang ngayon ay Deng pa rin daw ang tawag sa kanya ng kanyang mga kapamilya.

“Sa bahay po namin never pong pinag-uusapan ang hanapbuhay ko—ang showbiz. Never tinanong sa akin ng lola ko o ng mga kapatid ko, ‘Maganda ba si ganyan, mabait ba si ganyan?’ Kasi alam po nila na ayaw kong pinag-uusapan yung trabaho sa showbiz.

“Kasi almost 24 hours nandon ako, yon na yung sistema ng buhay ko tapos pagdating sa bahay ganun pa? Pagdating ko sa bahay normal na nomal po ako. At ang tawag pa rin po nila sa akin ay Deng, hindi po Coco ang pangalan ko sa bahay namin.

“Kaya sabi ko nga po, kung sakaling dumating ang pagkakataon na matapos na ito, na mawala na ito, naka-ready po ako kasi pinaghandaan ko po talaga. Alam ko kasi na sa industriyang ito wala naman pong permanente. Pero habang nandito po ako, binibigay ko yung pinaka-best ko kasi para pagkatapos na po ng lahat ng ito alam ko na nung panahon ko ginawa ko ang pinaka-best ko sa abot ng makakaya ko,” kuwento ng aktor.

Dahil financially stable na rin naman si Coco kaya naitanong kung handa na rin ba siyang magkaroon ng pamiya sa kanyang itinuturing na “right one.”

“Actually, ako naman po, hindi naman ako pa-tweetums. Kahit nung nagsisimula ako sa indie films nga ako, eh. First movie ko pa gay film, di ba?

“Kumbaga, para sa akin kasi dati pa normal lang yung buhay ko. Actually dati pa naman kahit noon pa. Naka-ready ako kung anuman yung haharapin ko ng buhay ko, kung may dumating mang isang tao na siya ang makakasama ko sa habang buhay nakahanda po ako.

“Pero bago mangyari yon, talagang ang hinanda ko po muna ay yung pamilya ko, yung mga kapatid ko. Kasi ang pangarap ko ayoko yung ako meron, may maganda akong buhay, maayos yung tinitirhan ko tapos yung ga kapatid ko hindi. Gusto ko pantay-pantay kami. Hindi man parehong-pareho pero alam ko na kung sakaling bubukod na ako at paghahandaan ko na yung sari kong buhay alam ko at kampante ako na naiayos ko na ang lahat ng buhay nila.

“Mahirap din kasi talaga na lumaki ka sa broken family. Pero may advantage din po yon. Dahil lumaki ako sa broken family ayokong mangyari sa buhay ko yon. Hindi ko yon ginawang kahinaan. Yon po yung nagpalakas sa akin para tumayo ng ganito, para lumaban.

“Sa totoo lang po mahiyain ako, eh. Pero natuto ako dahan-dahan. Lumakas ang loob ko, kumapal ang mukha. Sabi ko, pag ako naging mahina paano yung mga kapatid ko? Ang ginawa ko, talagang nagsumikap ako. Kayod nang kayod nang kayod hanggang ngayon po.

“Ngayong maayos na po sila, any time… Any time po, nakahanda po ako para sa sarili ko. Kung naayos ko yung pamilya ko handang-handa na rin po ako na magkaroon ng sarili kong pamilya,” mahabang paliwanag ng aktor na bibida sa Kapamilya series na Batang Quiapo.

Nahanap na ba ang kayang “right one”
Nahanap na ba ang kayang “right one”
“Nasa puso ko na po yung right one!” mabilis niyang sagot.
“Nasa puso ko na po yung right one!” mabilis niyang sagot.
ADVERTISEMENT
Inamin din ng aktor na handa na rin siyang mag-sette down any time soon.

“Any time po. Actually, sa totoo lang, bukod po sa bahay na tinitirhan ko ngayon, kasi ang nangyari dati nung tinayo ko yung bahay ko ginawa ko siyang parang compound. Nandon po ang nanay ko, nandon din ang tatay ko kahit hindi na sila mag-asawa. Nandon yung mga kapatid ko. Tapos mga pamangkin ko.

“Pero alam n’yo po through my experience, minsan ang ganda ng ideya mo, maganda yung naiisip mo dahil ganun po talaga ang mga Pilipino – napaka-makapamilya tayo. Pero hindi rin pala nagiging perfect.

“Kaya po pala sabi nila na kapag nasa tamang edad ka na o may pamilya ka na kinakailangan mong bumukod. Kasi magkakaroon talaga ng panahon na hindi kayo magkakaunawaan. At nung in-admit ko na sa sarili ko pero sa totoo lang sobrang sakit na sakit ako kasi ito yung pinangarap ko, yung magkasama-sama tayo, kahit ako na lang yung magtatrabaho at ako ang aayos sa lahat ng pamilya ko.

“Dumating ako sa point na masakit man tanggapin kinakailangan kong ibukod yung mga kapatid ko. Ngayong naibukod ko na yung mga kapatid ko, may sari-sarili na silang tahanan, sabi ko, ang problema ko don sa pinatayo kong bahay hindi siya pang pamilya. Kasi ginawa ko siyang compound, eh. Bawat isang kuwarto parang condo, eh, may kitchen, may sala.

“Ngayon, wala na lahat sila sa bahay. Kami na lang po ng lola ko ang magkasama. Kaya kailangang-kailangan ko ng magpatayo ng bahay para sa magiging pamilya ko. Kaya nga ngayon nagpapatayo ako ng bahay sa tabi rin ng dati kong bahay. Kaya nga sabi ko, any time po pinaghahandaan ko siya,” pagtatapat ng Ritemed ambassador at bida ng Batang Quiapo.

Read More:
Coco
Coco Martin
Susan Roces
Batang Quiapo
Deng
Ritemed
Batang Quiapo
celebrity confession
marriage plans
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT