Jake Cuenca, nahirapan ba sa scenes with Sean De Guzman sa MMFF movie? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jake Cuenca, nahirapan ba sa scenes with Sean De Guzman sa MMFF movie?

Francisco Juniour Escuadro
Published Jan 07, 2023 10:45 AM PHT

Aminado si Jake Cuenca na hindi naging madali para sa kaniya na gampanan ang kaniyang karakter sa pelikulang My Father, Myself kung saan mayroon siyang ilang maselan na eksena kasama ang kapwa aktor na si Sean De Guzman.

Ang My Father, Myself ay isa sa mga pelikulang kalahok sa 48th Metro Manila Film Festival kung saan nasungkit rin ni Dimples Romana ang Best Supporting Actress.

“Certainly hindi siya madali,” sambit ni Jake sa panayam. “Certainly it wasn’t the easiest role I’ve done,” sundot pa ng aktor sa panayam sa naganap na Gabi Ng Parangal para sa 48th Metro Manila Film Festival.

Ayon pa sa aktor, kahit na R-18 ang kanilang MMFF movie, thankful siya sa magagandang reviews and comments na kanilang nakuha sa pelikula.

“I am very much overwhelmed by everyone who watched it and for everyone who is brave enough to watch it. Ramdam na ramdam ko ang suporta at ramdam na ramdam ko rin ang lahat ng suporta ng tao. I am just overwhelmed so thank you!”

Bukod pa rito, malaki rin aniya ang pasasalamat ni Jake sa bumubuo ng MMFF na nabigyan ng pagkakataon ang kanilang humble project kung saan naipamalas nila ang out-of-the-box theme na kanilang nais ibahagi sa mga nakapanood na ng pelikula.

“I’m very much happy to be here, ‘coz our movie is a humble film so where just very happy and fortunate and excited for everyone and of course, grateful na napasama kami sa Metro Manila Film Festival,” pahayag pa ng aktor.

Sa huling tala ng MMFF, napanatili ng mga pelikulang Deleter, Partners in Crime, Family Matters, at Labyu With An Accent ang top movie grosser spots para sa 48th edition ng Metro Manila Film Festival na tatagal sa mga sinehan hanggang ngayong January 7, 2023.

Read More:
Jake Cuenca
Dimples Romana
Sean De Guzman
My Father Myself
MMFF
Metro Manila Film Festival 2023
Jake
Sean
Metro Manila Film Festival
48th Metro Manila Film Festival
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT