Trailer ng unang teleserye ng KDLex, trending
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Trailer ng unang teleserye ng KDLex, trending
Push Team
Published Jul 12, 2023 11:06 AM PHT

Trending ang trailer ng Pira-Pirasong Paraiso, ang unang drama na pagsasamahan nina KD Estrada at Alexa Ilacad bilang magkatambal. Mainit ang naging suporta ng kanilang mga naga-abang na KDLex fans sa Twitter para sa much-anticipated drama.

Bukod kina KD at Alexa, makakasama din nila ang ilan pa sa mga promising young stars sa nasabing serye gaya nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Noong Mayo, naunang ipinakita sa maikling teaser ang lead cast sa isang glamorous photoshoot.

Nakita rin sina Elisse Joson, Alexa, Loisa kasama si Charlie Dizon na may hawak na tela sa kanilang dibdib, na tanging mga balikat at binti lamang ang nakikita. Si KD ay naka-sleevless na pang-itaas, habang sina Ronnie at Joseph Marco ay shirtless.

Sa naunang teaser, pinakilala ang mga leading ladies bilang "Next Generation Dramatic Actresses," habang ang mga male lead ay tinawag na "This Generation's Leading Men." "Once you play the game of lies, makakadiskarte ba ang puso? O ang tuso ang laging panalo," patuloy nito. Kaya naman curious ang mga fans kung ano ang maaaring kwento ng dramang ito.

Ngayong July 10, nakita sa halos tatlong minutong clip si Diana (Charlie Dizon) na hinahanap ang kanyang mga kapatid, kasama si Baby (Loisa Andalio) na nagpapanggap sa isa sa kanila. Samantala, si Angela (Alexa Ilacad) ay isang manunulat na tumitingin sa misteryo ni Baby. Kasama rin sa cast sina Elisse Joson, Ronnie Alonte, KD Estrada, Joseph Marco, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson, Sunshine Dizon, at Argel Saycon. Magkakaroon din ng special participation sa serye ang batikang aktres na si Snooky Serna. Ito ang magsisilbing pagbalik ng ABS-CBN sa afternoon prime na ipalalabas ngayong Hulyo.

Ang drama ay hahawakan ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN, ang parehong nagsagawa ng mga palabas na Love Thy Woman at Kadenang Ginto. Pangungunahan ito ng direktor ng Wildflower na si Raymund P. Ocampo.

Ang Pira-Pirasong Paraiso, ang unang collaboration ng ABS-CBN at TV5 at mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3 p.m. at 2:30 p.m. tuwing Sabado sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

— by Bianca Padilla
— by Bianca Padilla
Read More:
Loisa Andalio
Ronnie Alonte
Charlie Dizon
Markus Paterson
Joseph Marco
Alexa Ilacad
Elisse Joson
KD Estrada
Pira-Pirasong Paraiso
Dreamscape Entertainment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT