‘Linlang’ cast at creatives team, excited na ipalabas ang hit series sa free TV

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Linlang’ cast at creatives team, excited na ipalabas ang hit series sa free TV

Clipboard

Masayang ibinahagi ng cast at creative team ng hit series na Linlang ang kanilang excitement sa nalalapit na pag-ere ng hit series nito sa Kapamilya primetime kasunod ng FPJ’s Batang Quiapo.

Sa kanilang media conference noong Lunes, Enero 15, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, ibinahagi nina Kim Chiu, Paulo Avelino, Maricel Soriano, Race Matias, Direk FM Reyes, Direk Jojo Saguin, at Creative Manager Danica Domingo ang ilang mga dapat pang abangan ng manonood sa teleserye version ng hit series.

“Roughly 60 percent of the original story, hindi pa napapanood,” bahagi ni Direk FM Reyes sa media conference ng serye.

Ipinaliwang din ng direktor na dahil sa magkaibang structure ng pagpapalabas mula sa Prime Video at sa orihinal nitong pagkakasulat na nakaangkop sa free television, mas marami pa umanong istorya ang makikita ng mga tao sa mga karakter ng kuwento.

ADVERTISEMENT

“Mayroong explanation atsaka back story yung ibang mga eksena,” dagdag naman ni Direk Jojo kung ano pa nga ba ang makikita ng mga tagasubaybay ng serye sa television version nito.

Bagamat hindi nakarating sa mismong event dahil nagpositibo sina Kim at Paulo sa COVID-19, nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga ito sa mainit na pagtanggap sa hit series hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bansa.

“I was surprised. Noong ginagawa namin to, ginagawa namin siya not expecting to be aired on a platform. I’m happy na di lang sa Pilipinas siya hit kundi sa iba't ibang bansa,” ani ni Paulo

“Sobra kaming, ano ito unexpected yung itinakbo ng Linlang. Actually nagulat din ako. Yung lahat ng fear ko nawala and then I’m very thankful na acknowledge kami sa ibang bansa,” pahayag naman ni Kim.

Dagdag pa niya, “Malaki yung pasasalamat namin sa Prime Video siyempre sa pagkuha nila ng Linlang at sa lahat ng mga na tao ginagawa nilang barkada mode or parang family get-together ang panonood ng Linlang lalo na sa ibang bansa. So it’s a very big blessing for all of us. Actually it's (an) unexpected blessing and I'm very grateful for all of that.”

ADVERTISEMENT

Ibinahagi din ng creative manager na si Danica Domingo na isa sa mga dahilan ng pagsubaybay ng mga manonood sa serye ay ang relatability ng kwento at karakter sa mga totoong buhay.

Sa tanong naman kung ano ang masasabi ni Kim sa mga nanggigil sa kaniyang karakter, nagpahayag ang aktres na “music to her ears” ang mga foul comments ng manonood sa kaniyang karakter na indikasyon ng kaniyang epektibong pagganap.

“Happy naman ako na nagagalit sila kay Juliana at hindi kay Kim Chiu so it’s a success. Thank  you!” nakangiting sambit ni Kim.

Hindi rin daw makapaniwala noong una ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa naging pagtanggap sa serye nilang Linlang .

“Nakanganga ako noon eh, tulala. Sabi ko, ‘siya nga ba?’ Sabi ko, ‘Totoo ba talaga ito o chika chika lang tayo?’ Pero totoo nga kaya sabi ko ay ‘ang ganda naman ng nangyari,’” pahayag naman ng primerang aktres.

ADVERTISEMENT

Ibinahagi din ni Marya na excited siyang mapanood ng mas marami ang kanilang popular na serye at mas makilala pa ng mga ito ang mga karakter.

“Oo kasi sigurado ako iba rito sa (free television) di ba? Iba yung sa kanila eh (Prime Video), isang oras yun atsaka dito (free television) araw araw nila mapapanood,” banggit pa nito.

Ayon naman kay Kim, mas maiintindihan na umano ng mga manonood kung ano talagang pinanggalingan ng mga aksyon at desisyon ng kaniyang karakter na si Juliana Lualhati.

“Mas maiintindihan  na nila dito (free television) si Juliana fully kung saan na siya nanggaling, bakit reaksiyon niya, kung bakit ganoon niya kamahal si Alex, bakit ganoon yung trato niya kay Victor. Actually dito sa teleserye version sobrang excited ako dahil mas maipapaliwanag ni Juliana sarili niya sa lahat nang galit sa kaniya.”

Ani naman ni Paulo, “We think more than the characters mas maiintindihan nila yung (kuwento).”

ADVERTISEMENT

Mapapanood na sa Lunes, Enero 22 ang teleserye version ng Linlang  sa ganap na 8:45 ng gabi pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.