News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN may patikim sa "High Street," "Life After Senior High" webisodes available na

April 23, 2024 AT 11 : 35 AM

Teaser ng “High Street,” puno ng mga pasabog!

Ano ang nangyari sa mga bida ng “Senior High” pagkatapos ng kanilang graduation?

Bago mapanood ang sequel ng “Senior High” na “High Street,” alamin kung kumusta na ang kalagayan ng mga karakter sa “Life After Senior High” webisodes. Napapanood ito exclusively sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment at sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Tampok sa five-part webisode ang life updates ng mga karakter nina Andrea Brillantes, Juan Karlos, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Gela Atayde, at Tommy Alejandrino.

Available nang mapanood ang first webisode nina Roxy (Xyriel) at Archie (Elijah) kung saan ipinasilip kung paano nangako si Archie na paninindigan nito ang baby nila ni Roxy. Sa huli, nanganak na si Roxy pero tila hindi natupad ni Archie ang kanyang pangako dahil makikita siyang nakakulong sa ibang bansa.

Samantala, ini-release ng ABS-CBN ang official teaser ng “High Street” tampok ang komplikadong buhay ng mga karakter. Sa pagsabak nila sa kolehiyo at sa totoong buhay bilang mga adult, iba’t ibang problema ang kakaharapin nila na tila may koneksyon pa rin sa mga nangyari noong sila ay nasa high school. 

Napapanood ang mga bagong webisode ng “Life After Senior High” araw-araw hanggang Abril 26 (Biyernes) ng 6 PM sa Dreamscape Entertainment Facebook page at ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.