Videos

Pia Wurtzbach, TNT Boys, at Gretchen Ho, nanguna sa pagbibigay-pugay sa galing ng Pilipino!

December 02, 2019 AT 08 : 26 AM

Nagtipon ang ilan sa mga Pilipinong nagdala ng karangalan sa bansa para ipagdiwang ang galing ng Pilipino bilang pakikiisa sa National Cheer Campaign. Hulyo nang inilunsad ng ABS-CBN ang kampanyang may layuning ibida ang tagumpay ng mga Pilipino sa mundo at magbigay inspirasyon sa bawat isa na ilabas ang kanya-kanyang galing.