Modern Jeepney driver: To upgrade or not to upgrade? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Modern Jeepney driver: To upgrade or not to upgrade?

Jonathan Cellona,
ABS-CBN News
Published Feb 27, 2024 09:17 PM PHT

Si Haidar Andrade, 64-anyos na mekaniko ng modern jeepney sa isang kooperatiba sa Montalban, Rizal. Jonathan Cellona, ABS-CBN NewsRegular nang laman ng terminal si Mang Haidar. Subalit hindi lang siya mekaniko, isa rin siyang naging owner na ng traditional at modern jeepney. Nagtatrabaho siya sa isang modern jeepney cooperative sa Montalban, Rizal na maituturing na isa sa mga unang pinaka-successful na kooperatiba sa kanilang pook.

Bata pa lamang ay mekaniko na si Haidar at aniya, marami nang dumaang makina sa kanyang mga kamay. Nakapag-kumpuni na siya ng truck, traditional jeepney, at ngayon naman ay mga modern jeepneys.

Labing-walong anyos pa lamang nang magsimula bilang mekaniko si Haidar. Madami nang makina ng truck, traditional jeepney, at modern jeepney ang dumaan sa mga kamay ni Haidar. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Busy siya sa mga araw na ito, maraming kailangang ayusin sa mga inaalagaan niyang mga sasakyan. Full-time na siyang mekaniko ng kooperatiba.

Naging saksi na rin daw siya sa hirap na dinaranas ng mga driver at operator ng traditional jeepney sa kanilang lugar. Dahil dito, noong nagdesisyon siya na magpa-miyembro sa kooperatiba, ay ipinasok niya ang kanyang sariling sasakyan sa pangangasiwa nito.

Sa tagal nang mekaniko ni Haidar, maikukumpara niya ang maintenance at gastusin ng traditional at modern jeeps. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Dahil nga sa karanasan niya, naikumpara ni Haidar ang traditional at modern jeepneys, lalo na sa maintenance at availability ng piyesa. Para sa kanya, mas madali pa rin ang pag-repair at assemble ng traditional jeepney.

Bagamat pinadadalahan siya ng pera ng anak niyang cook sa cruise ship, ayaw pa rin ni Haidar na magretiro sa pagiging mekaniko. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Sa kanyang pananaw, hirap rin daw makaipon ang mga driver sa mga kooperatiba kumpara sa mga driver ng traditional jeepneys. Kuwento niya, may kilala siyang driver ng traditional jeepney na nakapag patapos ng mga anak sa kolehiyo, samantalang ang mga may modern jeepney ngayon ay hirap pang kumita. "Makakapag boundary ka nga, pero pareho pa rin ang pagod mo, hindi ka makakapag pa-college," aniya.

Nagbigay din si Haidar ng saloobin sa pagpalaganap ng mga modern jeep. Aniya, mas mainam sana kung ang mga bulok na jeep ay pinalitan na lamang ng mga bago sapagkat kilala na ang mga ito sa buong mundo. Ngunit sa lahat ng ito, nilinaw niya na hindi siya tutol sa pag modernize ng jeep. Aniya, mas maganda na habang nagbabago ang panahon ay babaguhin din ang kalakaran. Sana lamang daw ay binigyan na lamang ng deadline ang mga jeep ng ilang taon na maaaring ma-rehistro.