Mga bantay sa US Pentagon, nagulat sa manok na nakalusot sa security

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bantay sa US Pentagon, nagulat sa manok na nakalusot sa security

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 02, 2022 03:03 PM PHT

Clipboard

Nabulaga ang mga armadong nagbabantay sa US Pentagon nang makapasok sa high security zone ng pasilidad ang isang manok.

Hindi matukoy kung paano nakapunta roon ang manok, na namataan sa gitna ng malamig na panahon. Pero agad itong ibinigay sa local animal control officers.

"Our officers were called to come pick her up," sabi ng Animal Welfare League of Arlington sa kanilang Facebook page.

"Sgt. Balaena brought her safely to the shelter where she'll stay until we find a new home for her," sabi ng grupo, na nag-post ng retrato ng manok sa loob ng isang hawla.

ADVERTISEMENT

Humingi pa sila ng suhestiyon sa magiging pangalan ng manok, kung saan may mga sumagot ng "Henny Penny" - na hango sa pangalan ng Pentagon. May nagsabi namang "Colonel Sanders" na hango sa mukha ng isang sikat na fastfood brand.

Hindi naman nagbigay-paliwanag ang seguridad ng Pentagon kung paano nakalusot sa compound ang manok o kung may bantang maiuugnay sa pagpasok nito sa lugar.

"I would check this chicken for bugs... and not the biological kind," sabi ng isang commentor.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.