Lalaking nagpepenitensya sa Pampanga, pinalo sa ulo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagpepenitensya sa Pampanga, pinalo sa ulo
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2024 06:54 PM PHT

MAYNILA — Itinakbo sa ospital ang 24 anyos na lalaki matapos paluin sa ulo ng dos por dos na kahoy ng isang kabarangay sa Angeles City, Pampanga.
Base sa imbestigasyon, nagpepenetensya ang 24-anyos na biktima sa Barangay Capaya 2 nang biglang dumating sakay ng motorsiklo ang 42 anyos na suspek.

Sugatan ang biktima matapos paluin sa ulo ng dos por dos na kahoy bandang 5:30 ng hapon Martes.

Kusang sumuko ang suspek sa barangay at kaagad na dinala sa Angeles City Police Station 3. At large pa ang isa pang kasabwat ng suspek.

Ayon sa pulisya, paghihiganti umano ang dahilan ng pamamalo.
Ayon sa pulisya, paghihiganti umano ang dahilan ng pamamalo.
ADVERTISEMENT
"Personal po 'yung galit niya kasi parang pinagbibintangan...'yung pinsan niya na nagpahuli sa kapatid nung suspek. 'Yun po 'yung sinasabi po niyang dahilan kagabi," paliwanag ni Police Master Sargeant Arvie Mateo.

Desidido umano ang pamilya ng biktima na ituloy ang kasong frustrated homicide laban sa dalawang suspek.

Ito ang kauna-unahang Holy Week-related incident na naitala ng pulisya sa buong bansa ngayong taon.