PANOORIN: 3 lalaking nagtangka umanong magnakaw, inabutan ng mga pulis sa manhole

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: 3 lalaking nagtangka umanong magnakaw, inabutan ng mga pulis sa manhole

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.



Nadatnan ng mga residente at ng mga pulis ang tatlong lalaki sa loob ng isang manhole sa Mabini Street sa Tagum City, Davao del Norte nitong Miyerkules ng madaling-araw.


Hinala nila, may gawaing iligal ang tatlo, kaya makikita sa video na nakaamba sanang papaluin ng isang residente ang mga nasa loob ng manhole.


Ayon sa Tagum City police, unang nai-report ang kaduda-dudang multicab kaya rumesponde sila sa lugar.


Natuklasan nila ang nakabukas na manhole sa tabi ng nakaparadang multicab at nakita ang tatlong lalaki.


Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang sinubukan ng mga lalaki na maghanap ng mga copper wire doon.


Pero pinakawalan lang din ang tatlo dahil walang nakuhang mga nakaw na gamit mula sa kanila.


Isinailalim din sila sa profiling para masuri kung may dati silang rekord sa pulisya.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.