Lola ni Jake Zyrus, nabulag dahil sa stroke

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lola ni Jake Zyrus, nabulag dahil sa stroke

Kiko Escuadro,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 14, 2019 03:31 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Kinumpirma ni Raquel Pempengco, ina ng singer na si Jake Zyrus, na nasa poder niya ngayon sa Lucban, Quezon ang kanyang ina na si Tess Relucio-Pineda.

Sa naging panayam sa telepono ng ABS-CBN News kay Ginang Pempengco, inamin niya na sumama sa kanya ang ina matapos ma-ospital dahil sa pagkaka-stroke.

"Nagkaroon man ako ng tampo dahil pinagtulungan nila akong mag-lola, siyempre hindi ko pa din naman matiis dahil kinausap nga ako ng nanay ko na tulungan ko siya, e di tinulungan ko. Sabi ko, wala naman akong magagawa kundi tulungan kayo," ani Raquel.

Ayon pa kay Ginang Pempengco, nabulag na ang kaliwang mata ng kanyang ina dahil sa pagkaputol ng ugat sa utak nito epekto ng naging stoke.

ADVERTISEMENT

"Na-mild stroke siya, ang tinamaan ang kanyang kaliwang mata sa ugat. Ngayon ang sabi nga ng doktor, pwede naman siya operahan pero matanda na si Nanay," sabi pa niya.

Bagaman nasa kanyang poder ngayon sa Lucban, hindi pa rin daw naging maganda ang kanilang relasyon bilang mag-ina.

"Para bang si Nanay e nag-uulyanin na. Sa totoo lang, pangalawang beses na 'yan na naglayas sa akin. Una kinuha ko na din 'yan noon sumama naman sa akin, aba lumayas ulit. Hindi daw kasi siya sanay na naka-kulong lang," ani Raquel.

Aniya, kasalukuyan itong tumutuloy sa iba pa nilang mga kamag-anak at pabalik-balik sa kanya.

"Alam ko naman nasa mga kapatid niya, kasi nagte-text nga na gusto na nga daw niyang umuwi dito, e matapos niya ako pagbintangan na unti-unti ko daw siya nilalason at ginugutom, e wala naman akong magawa kundi intindihin ang nanay ko kung ganun ang nararamdaman niya sa akin," patuloy pa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT

Bukod sa kasalukuyang kondisyon ng lola ni Jake, inamin din ng ina ng singer na wala pa rin silang komunikasyon nito hanggang sa ngayon.

"Mula noon wala pa akong communication kay Charice (Jake) pasensya na. Pero inuunawa ko nalang kasi nga hindi man siya mag-reach-out sa akin e darating din naman ang panahon. Ayaw ko nang magtanim ng sama ng loob sa kanila at mga kamag-anak ko sila," paliwanag pa niya.

Wala pa rin umanong pagkakataon na binisita ni Jake ang kanyang lola na pinakana-apektuhan ng mga pagbabago ng apo.

"E si Nanay naman kasi ang pinakaproblemado sa mga nangyari. Kung ako nga po na ina hindi ko ma-kontrol ang anak ko, siya pa kaya? Gusto daw niya magpunta at subukan na kausapin at ibalik sa dati. S ako naiintindihan ko na imposibleng mangayri pa ang gusto ni Nanay at depende na din 'yun kay Charice kung gusto niya na kupkupin ang nanay ko," tugon niya sa panayam.

At bilang ina, hangad pa rin daw niya ang kaligayahan ng anak na napabalitang engaged na sa kanyang nobya.

ADVERTISEMENT

"Kung doon siya masaya, okay lang sa akin. Lahat naman sila kahit na wala silang komunikasyon sa akin, kung saan man sila masaya may blessing 'yun," pahayag pa ni Ginang Pempengco.

Samantala, sa ipinadalang mensahe ng manager ni Jake sa ABS-CBN News, sinabi nitong mas pinipili niya na ayusin ang kanilang gusot sa pribadong paraan.

"I’d rather not to talk about it and settle this privately. As family I believe they can fix it without compromising other people," pahayag ng manager ni Jake.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.