'Macho Rap' single ni Gloc-9, trending

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Macho Rap' single ni Gloc-9, trending

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Masiglang sinalubong ng multi-awarded artist na si Gloc-9 ang taong 2021 dahil mainit ang pagtanggap ng kanyang followers sa kanyang latest single na “Macho Rap” na isa sa trending videos ngayon sa mga netizens sa TikTok app.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasama ni Gloc-9 sa nasabing single ang mag-amang Benjie at Andre Paras at ang mga new artist na sina Kat Galang at Lirah.

Sa ilang dekadang experience ni Gloc-9 sa music industry, malaking bahagi nito ang pagtulong at pagbigay ng break sa mga baguhang artist.

“I've been in the industry for more than 2 decades na that's why I feel that sharing what I've learned to new artists ay rewarding for me especially when I see them do good as well,” kuwento ni Gloc-9.

ADVERTISEMENT

Samantala, malaki na rin ang kambal na anak ni Gloc-9 at ng kanyang asawa na si Thea. Naitanong natin sa kanya kung may hilig ba ito at papayagan niya ba ito mag showbiz?

Ito ang sagot ni Gloc-9: “Lagi po kami nakasuporta sa kung anoman ang gustong i-pursue ng mga anak ko pero sa ngayon school muna ang priority.”

Bahagi ng campaign ng isa sa endorsements ng hip-hop artist ang “Macho Rap” na sa ngayon ay mayroon ng higit 1.7 million total views sa social media at isa sa paboritong gayahin ng netizens sa TikTok.

Taong 1992 nagsimula ang career ni Gloc-9 na nakilala sa hit singles na “Lando,” “Upuan,” “Bagsakan,” “Baon” at marami pang iba. Latest award naman na nasungkit ni Gloc 9 ang Artist of the Year at Hip-Hop Song of the Year para sa kanyang single na “ABAKADA” na iginawad ng Wish107.5 Music Awards.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.