Mitch Montecarlo Suansane tinanghal na Miss Q&A 2019

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mitch Montecarlo Suansane tinanghal na Miss Q&A 2019

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kinoronahan nitong Sabado bilang Miss Q&A InterTALAKtic 2019 si Mitch Montecarlo Suansane matapos kabogin ang nasa 20 kandidata ng patimpalak ng "It's Showtime."

Bago nito, bonggang opening number ang ipinakita ng mga kandidata kasama ang host na si Vice Ganda para sa mga manonood sa Smart Araneta Coliseum.

Hatid nila sa mga awitin ang mensahe ng "acceptance" at "self-empowerment."

Sa final round ng pageant, nanaig ang sagot ni Suansane nang bigyan niya ng kahulugan ang salitang "bakla" bilang "bahagi kami ng lahat."

ADVERTISEMENT

Ibig sabihin umano nito ay pantay-pantay ang lahat kaya dapat tanggapin ng lipunan ang mga katulad nila.

Susundan ni Suansane ang yapak ng unang Miss Q&A queen na si Juliana Parizcova Segovia.

Bukod sa brand new sash, brand new throne, at brand new crown, mag-uuwi din si Suansane ng P2 milyon premyo, kotse, at trip to Korea for 2.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.