Sino-sino ang gusto ng netizens para sa Pinoy adaptation ng 'Dr. Foster'?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sino-sino ang gusto ng netizens para sa Pinoy adaptation ng 'Dr. Foster'?

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 24, 2021 07:04 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Mula nang inanunsiyo ng ABS-CBN na nakalinyang ipalabas ang Filipino adaptation ng "Doctor Foster" ng BBC Studios, kaliwa’t kanan na ang hula ng netizens kung sino-sino ang gusto nilang gumanap na bida sa serye.

Una, ang lead role na ginampanan ni Suranne Jones bilang si “Dr. Gemma” sa original version - o si Kim Hee Ae naman bilang si “Dr. Ji” sa Korean adaptation nitong mas kilala na tawag na “World of the Married.”

Kuwento ito ng babaeng maghihiganti matapos madiskubreng may kabit ang kaniyang asawa.

Lumutang ang pangalan ni Judy Ann Santos, Angel Aquino, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria na gusto nila para sa mapanghamong papel.

ADVERTISEMENT

Pangalawa, ang asawa ng bida. Hula ng netizens na sina Ian Veneracion, Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, at TJ Trinidad.

Sa gaganap na mistress, hinuhulaang sina Janine Gutierrez, Julia Barreto, Julia Montes, at Loisa Andalio ang mapipili.

Naging pamilyar sa mga Pinoy viewer ang Korean adaptation na “World of the Married” na ipinalabas din sa Kapamilya Channel.

Pero sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung sino ang bida at kailan ito ipapalabas.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.