Imelda Papin pinutakte ng netizens dahil sa awiting 'Iisang Dagat' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Imelda Papin pinutakte ng netizens dahil sa awiting 'Iisang Dagat'

Mario Dumaual,
ABS-CBN News
Published Apr 27, 2020 05:07 PM PHT
|
Updated Apr 28, 2020 09:43 PM PHT

MAYNILA — Dinepensahan ng veteran singer at Camarines Sur vice governor na si Imelda Papin ang kontrobersiyal na partisipasyon niya sa isang Chinese music video na umani ng sangkatutak na batikos mula sa mga Pinoy netizen.

Ito ang awiting "Iisang Dagat" ukol sa kapatiran at tulungan ng China at Pilipinas sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nilabas noong weekend ng embahada ng China sa Pilipinas ang video kung saan tampok ang ilan pang Chinese at Pinoy singers.

Hindi akalain ng Papin ang walang puknat pa ring batikos ng mga netizen na inakusahan siya ng pagiging taksil sa bayan.

Nitong Biyernes, 144,000 dislikes na ang nakuha ng video mula nang i-upload ito sa Youtube.

Ito'y sa gitna ng tensiyon sa isyu ng maritime dispute sa West Philippine Sea.

Pinanindigan ni Papin na hindi siya nagpresinta para lumahok sa proyekto. Hindi rin daw siya traydor sa bansa at ni isang kusing ay wala siyang tinanggap.

"Si Imelda Papin po ay hinding-hindi magtataksil sa bansang Pilipinas dahil dito ako pinanganak at hanggang sa huli ay mamamatay na tunay na Pilipino," ani Papin.

"Ako naman bilang professsional singer tinanggap ko dahil gusto ko maging inspirasyon sa ating frontliners sa pamamagitan ng boses ko at siyempre sa ating kapwa Pilipino."

Kinundena ng mga kritiko ang "Iisang Dagat" bilang propaganda ng Tsina.

Pero ayon kay Papin, ang titulong "Iisang Dagat" ay hindi rin daw patungkol sa anumang isyu sa China-Philippines relations.

"Gusto nilang ibigay sa medical team na pumunta sa ating bansa bilang pasasalamat, naging frontliners din sila dito kaya gusto nilang ihabol papuntang China," sabi ni Papin.

Sa huli, hiling ni Papin ang panalangin para masolusyunan na ang krisis sa COVID-19.