Coco Martin, pumalag sa bashers ng ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, pumalag sa bashers ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagsimula nang pumalag sa mga basher ang aktor at bida ng sikat na seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin.

Sa Instagram nitong Huwebes, Mayo 7, bumuwelta si Coco sa mga basher tungkol sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission o NTC sa pagbobrodkast ang ABS-CBN.

Sa kanyang unang post, ibinahagi ni Coco ang art cards tungkol sa mga hindi totoong balita hinggil sa mga paratang ng FICTAP na may nilabag ang Kapamilya network sa muling pagkuha ng prangkisa.

Sa sumunod niyang post ay ibinahagi naman niya ang isang art card mula sa opisyal na Instagram page ng ABS-CBN News tungkol sa reaksiyon ni Senate Labor Committee chair Joel Villanueva na pumalag sa NTC.

Sa kanyang pangatlong post, ibinahagi naman ni Coco ang art card mula ulit sa Instagram page ng ABS-CBN News tungkol naman sa naging reaksiyon ni Albay Rep. Joey Salceda kung saan iginiit ng mambabatas na nagbabayad ng buwis at walang nilabag na batas ang ABS-CBN News kaya panira lang national strategy ang ginawa ng NTC.

ADVERTISEMENT

Sunod naman pinost ni Coco ang tungkol sa Senador na si Manny Pacquiao na nagsabing walang masama kung bibigyan ng NTC ng provisional authority ang ABS-CBN para muling mag-broadcast.

“Maraming salamat Sen. Manny Pacquiao! Very well said. Tama po kayo maraming taong napagkaitan, na sana nabibigyan at nahahatiran ng ABS-CBN ng tulong ngayon 'yung mga taong gutom na gutom sa mga oras na ito. Nakakatulong sana kami sa gobyerno ngayon! Nakakapagbahagi sana ngayon ng pagkain at donasyon sa maraming Pilipino. At makakapaghatid ng balita sa kung anong mga nangyayari sa bansa," ani Coco.

"Mas marami pa sanang kaming matutulungan, kaya lang ayaw po ng NTC, kaya pinasarado po ang ABS-CBN. 'Wag po kayong mag-alala pilit pa rin tumutulong ang ABS-CBN sa abot ng makakaya nito. Sana 'yung mga hindi maabot ng tulong namin ay matulungan ng mga trolls at bashers namin!"

"Yung mga tuwang-tuwa dyan ngayon na sarado na ang ABS-CBN, baka pati kayo walang pagkain kaya ang haba ng oras niyo bantayan ang ginagawa namin. Hayaan niyo at padadalhan na rin po namin kayo ng tulong para hindi po kayo mapagod magbanat ng buto para may makain kayo, nakakahiya naman po sa inyo e ang pinagkakakitaan nyo ngayon ay ang manira ng kapwa,” ani Coco.

Dagdag ng aktor: “At tutal, wala na kaming ipapalabas, wala nang mapapanuod ang mga supporters at tagahanga namin, kayong mga trolls at bashers namin ang manunuod sa amin! Bantayan ninyo ang bawat kilos at galaw namin at sisiguraduhin po namin na paliligayahin namin kayo sa mga mababasa at maririnig ninyo sa amin! Wag nang magtangka magkomento mapapagod ka lang hindi ako ga'no marunong magbasa.”

Sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” ginagamapanan ni Coco ang karakter ni Cardo Dalisay, isang pulis na ipinaglalaban ang katotohanan, katarungan at kalayaan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.