Coco Martin, may pakiusap sa sambayanang Pilipino

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Coco Martin, may pakiusap sa sambayanang Pilipino

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Isang mensahe ang ipinaabot ng aktor na si Coco Martin para sa sambayanang Pilipino sa unang pagpapalabas ng “Promdibate,” ang online rap battle show na hatid ng Dreamscape kung saan hosts sina Kim Molina at Jerald Napoles na kapwa kasama niya sa sikat na seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa unang episode ng Promdibate” nitong Lunes, Mayo 18, sa OKS, nakiusap si Coco na sana ay sumunod ang mga Pilipino sa panuntunan ng gobyerno para malabanan ang COVID-19.

Binigyang din ni Coco ang sakripisyo ng mga frontliner na ibinibuwis ang kanilang mga buhay para lang mailigtas ang nakararami.

“Nakikiusap po kami sa lahat ng mga Filipino na sana po ay sumunod tayo sa panuntunan ng ating gobyerno. Hanggang ngayon po ay wala pa ring gamot laban sa virus na kumakalat sa buong mundo. Marami na po ang namatay at patuloy pa rin po ang pagkalat ng virus. Sa ngayon po, tanging disiplina at pakikipagkooperasyon ang ating panlaban. Pagod na pagod na po ang ating frontliners at marami sa ating doctors at nurses ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mailigtas lang po tayo. Kaya please nakikiusap po kami sana po ay sumunod na tayo,” ani Coco.

Mapapanood ang mensahe ni Coco pagkatapos ng unang rap battle ng “Promdibate” kung saan nagpasiklaban sina Smugglaz at Bassilyo.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ang paksang kanilang pinaglaban: “Saan ka mas takot, ang mamatay sa COVID-19 o ang mamatay sa gutom?”

Matapos ang salpukan, isang original rap song naman ang inalay nina Bassilyo at Smugglaz na nakikiusap sa mga Pilipino na mag-ingat at huwag munang lumabas ng bahay para malabanan ang COVID-19.

Sina Bassilyo at Smugglaz ay kapwa mga bituin din sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.