Coco Martin nag-deactivate ng Instagram account | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Coco Martin nag-deactivate ng Instagram account
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2020 04:03 PM PHT

MAYNILA — Matapos madawit sa kontrobersiya, nag-deactivate ng kaniyang Instagram account ang aktor na si Coco Martin.

Habang isinusulat ang istoryang ito Linggo ng hapon, nananatiling naka-deactivate ang account ni Martin na may username na @mr.cocomartin at may higit 3 milyon followers bago mawala.

Kamakailan binatikos ng isang dating ABS-CBN cameraman ang bida ng "FPJ's Ang Probinsyano" dahil sa ugali nito sa ibang crew ng serye, tulad ng mga stuntman. Pero dinepensahan ang aktor ng mismong mga katrabaho.

Isa si Martin sa mga Kapamilya star na maingay na nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa gobyerno dahil sa pagpapasara sa home network na ABS-CBN.

Isang buwan nang tumitigil ang broadcast operations ng ABS-CBN matapos mapaso sa prangkisa nito. Patuloy namang dinidinig sa Kamara ang mga panukala para sa bagong franchise.

Muling mapapanood ang "FPJ's Ang Probinsyano" sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV simula Hunyo 13.