Julia Barretto, dinala ni Joshua sa bahay nila sa Batangas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Julia Barretto, dinala ni Joshua sa bahay nila sa Batangas

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 21, 2018 01:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa unang pagkakataon ay nagtungo si Julia Barretto sa Bauan, Batangas kung saan lumaki ang kanyang ka-love team na si Joshua Garcia.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, ipinagmalaki ni Joshua na si Julia lang ang babaeng kanyang mahal na nakapunta sa kanilang bahay.

"Dati may nakapunta sa bahay ko pero 'yung time puppy, puppy love pa. Ito talaga kasi (si Julia) masasabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga 'yung ipinakilala ko sa mga magulang ko," ani Joshua.

Sinang-ayunan naman ng ama ni Joshua ang sinabi ng anak na si Julia lang ang mahal nito na nakapunta sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Sa pagbisita sa bahay nila Joshua sa Batangas, mas nakilala ni Julia ang aktor mula sa mga kuwentong narinig noong ito ay bata pa.

Maliban sa kuwento, tila eksena naman sa serye ang ginawang pagtuturo ni Joshua kay Julia kung paano magbunot sa bahay.

Sina Joshua at Julia ay mga bida ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na "Ngayon at Kailanman."

Mapapanood ang "Ngayon at Kailanman" mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "Ang Probinsyano."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.