Gelli de Belen, inaming mahirap mapalayo sa mga anak

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gelli de Belen, inaming mahirap mapalayo sa mga anak

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Hindi na napigilan ni Gelli de Belen ang maging emosyonal dahil sa kanyang mga anak.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging bukas si De Belen sa hirap na mapalayo sa mga anak na nasa Canada.

Paunang kuwento ni De Belen, noong 2016 nagsimulang mag-aral sa ibang bansa ang mga anak nila ng mister na si Ariel Rivera.

Watch more News on iWantTFC

"'Yun ang mahirap, 'yung umpisa talaga, 'yung first few months. Every phone call, Si Ariel alam na niya; pagkatapos nakaabang na siya, console-console. Ako rin naman naisip ko 'wag ka na muna masyadong tawag ng tawag," kuwento ni De Belen.

ADVERTISEMENT

Matapos ang ilang taon, nagbunga ang sakripisyo ng kanilang pamilya nang makapagtapos na sa kolehiyo ang kanyang bunsong si Julio.

"Nakaka-proud siyempre gusto ko ipagmalaki na Dean's Lister. Nung naglalakad siya totoo na ito, my God. Siyempre mangiyak-ngiyak, ayaw ko masyadong i-go baka mamaya hindi na masyadong mag-enjoy ang mga kasama ko, asikasuhin nila ako imbes na moment niya ito, hindi ako puwedeng umeksena. Moment ng anak ko 'yon. So talagang pinakiramdaman ko 'yon. Eto na, ito na ang pinaghirapan niya, pinaghirapan din naman namin ni Ariel pero mostly siya ang kumilos nito, siya ang may gusto nito. Nakaka-proud. Alam mo ang sakit ng lalamunan ko kasi kanina pa ako nagpipigil umiiyak," ani De Belen.

Hindi naman na napigilan ni De Belen ang maiyak nang matanggap ang video message mula sa mga anak na sina Julio at Joaquin, na nagpaabot ng pasasalamat at pagmamahal sa aktres.

"I just feel really blessed that despite the distance they've really parang lived whatever we thought them. Kung ano ang itinuro namin habang lumalaki sila hanggang ngayon nakikita ko sa kanila hindi nila nalilimutan.
I am just grateful that I have the most wonderful children any parent could ask for. It's just sad lang na hindi kami palagi magkasama sa highs and lows ng buhay nila, hindi kami laging nandoon," ani De Belen.

Sa programa, ibinahagi rin ni De Belen ang pagiging proud na ina dahil sa diskarte ng mga anak para magkaroon ng pagkakakitaan sa ibang bansa.

Naikuwento ni De Belen kung paano nabuo ang negosyo na pagbebenta ng biko ng mga anak sa Canada.

Watch more News on iWantTFC

Bumisita si De Belen sa "Magandang Buhay" kasama rin ang aktor na si Romnick Sarmenta para anyayahan ang mga manonood na patuloy na suportahan ang "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

KAUGNAY NA MGA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad