Paano? No physical contact na sampalan sa 'Ang Sa Iyo Ay Akin'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano? No physical contact na sampalan sa 'Ang Sa Iyo Ay Akin'

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- May sampalan pero walang physical contact? Hindi madali, pero posible.

Ito ang ibinahagi ni FM Reyes, direktor ng sikat na serye ng ABS-CBN na "Ang Sa Iyo ay Akin" sa nakaraang virtual press conference.

Ayon kay Reyes dahil sa mga pagbabago dala ng pandemya ay nagagawa nilang kuhaan ang tagpong may sampalan pero hindi kinakailangan ng physical contact.

“Bawal ang physical contact. So maski love scene, kissing scene, 'yang mga sampalan, bawal. So dayaan lahat 'yan. You can position your camera and it would seem like somebody is kissing someone. So we have to be clever. We had to find ways kung paano namin mapa-practice 'yung social distancing,” ani Reyes.

ADVERTISEMENT

"Sabi ko nga, nagugulat sila sa akin dahil kahit hindi maghahawak, laging during rehearsal, bago mag-take, nag-a-alcohol ako sa kanila kasi kahit blocking pa lang, paglapit ko na dapat (ilantad na) nila 'yung kamay nila kasi ina-alcohol-an ko din. Dahil hindi mo maiwasan, hindi lang 'yung personal contact sa tao, 'yung humawak sa dingding at sa mga props, lahat 'yun de-alcohol kaming lahat. Mahirap. One scene, one set up supposedly pero 'yung isang set up mo humahaba,” dagdag ni Reyes.

Hindi man madali, iginiit ni Reyes ang pagsunod sa protocol at mas istriktong panuntunan na inilabas ng ABS-CBN para makaiwas sa sakit.

"As the leader of the group, kailangan sa iyo manggaling ang paalaala palagi kasi I can not afford na may mabawas o magkasakit sa mga tao ko. ... I announced to them that we have to take care of each other, responsibilidad namin ang isa't isa. We have to triumph over this virus. Hindi titigil ang mundo natin dahil dito. We are blessed because there's work. That's the critical point. We have to take care of each other. And everybody should be honest, 'yun ang advocacy ko sa kanila," ani Reyes.

Napapanood ang "Ang Sa Iyo Ay Akin" sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.