Elha Nympha, itinanggi ang paggamit ng autotune

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Elha Nympha, itinanggi ang paggamit ng autotune

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Itinanggi ni Elha Nympha ang mga haka-hakang gumagamit siya ng autotune sa kanyang mga awitin o covers.

Sa kanyang TitTok video, nilinaw ni Nympha na sadyang kaya lang niyang manggaya ng boses at mga tunog.

"Lagi kong nababasa sa YouTube na, 'oh my God, si Elha, bakit sobrang autotune ang bosses, bakit robotic? blah, blah, blah.' Well let me explain: Sa mga covers ko po hindi ko po nilalagyan ng autotune or kahit na ano, except for reverb kasi nire-request ng tao mas gusto nila may reverb and also echo. The reason why nagtutunog autotuned siya guys is because sinasadya ko siya," pauna ni Nympha.

"You guys know me. Sumali ako sa 'Your Face Sounds Familiar Kids' and I can easily imitate voice and also gumaya ng certain tunog na kaya ko. So one time nagre-recording ako at tinry ko mag-autotune... Then habang paulit-ulit kong naririnig 'yung autotune ay tinry kong kumanta and to my surprise nagaya ko 'yung autotuned na boses ko," paliwanag ni Nympha.

ADVERTISEMENT

Para patunayan ang kanyang mga sinabi, inawit ni Nympha ang ilang linya ng mga awiting "Mahal Pa Rin Kita" at "Wonderful Tonight" na mayroon at walang "autotune."

Nito lamang Abril nang ipagdiwang ni Nympha ang kanyang ika-18 kaarawan.

Matatandaang nakilala si Nympha nang magwagi siya sa second season ng "The Voice Kids" noong 2015.

Mula sa artsibo:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.