Rena at Cleonce, simula pa lang may red flags nang nakita sa isa’t-isa | It’s Showtime

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rena at Cleonce, simula pa lang may red flags nang nakita sa isa’t-isa | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Jul 13, 2024 04:18 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Good vibes ba ang hanap? Tara, G! Meron n’yan dito sa “It’s Showtime.” Ano pa ba’ng mayro’n dito? Uy, mayro’ng pogi! Sino ba naman ang hindi ngingiti kung si Alden Richards ang bubungad sa’yo sa tanghali?

Madlang people ay mas nabuhayan nang si Alden ay batiin sila nang malapitan. Instant meet-and-greet ang ganap! May mga bumati, naki-selfie at yumakap. Maging sina MC at Lassy, pasimple ang galawan para makalapit sa ‘dream guy’ ng lahat.
Parang may isang kupido na naglapit sa mundo nina Rena at Cleonce. Pero mukhang nagkamali si Mr. Kupido, dahil sina Rena at Cleonce, mukhang hindi perfect match.

Sa kabila ng 'red flags' ng isa't-isa, tinuloy nila ang relasyon. Ilang beses din nilang nahuli ang isa't-isa na may 'ibang kasama.' Selos ay paulit-paulit. Ang tanong tuloy sa kanila: Tunay ba nilang minahal ang isa't-isa o naging laro lang ang pag-ibig nila? Alamin ang kwento sa EXpecially For You.

Sa 12th 'preliminary' examination ng "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown," muling narinig ang golden tinig ng mga estudyanteng aiming for high honors sa kantahan.

ADVERTISEMENT

Unang sumalang sa exam si Beng Eway ng Jose Rizal Memorial State University na buong-pusong umawit ng "Bulag, Pipi at Bingi."

As high as her whistle note ang performance level ni Pia Caduya ng Florentino Torres High School na kumanta ng "Emotions."
Mapapa-yes ka sa performance ni Lia Mendoza ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na kumanta ng "Oo."

With her 'princess-like' voice, inawit ni Althea Pinzon ng University of Perpetual Help System-DALTA ang "Royals." Naging emosyonal si Althea nang marinig kung gaano ka-proud sa kanya ang daddy niya.

Sa huli, si Althea ang Rank 1 this 'prelims'. Abangan naman siya sa susunod na midterms.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.