'Pagpapasuso sa loob ng 6 na buwan, pang-iwas sa diyabetes'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pagpapasuso sa loob ng 6 na buwan, pang-iwas sa diyabetes'

ABS-CBN News

Clipboard

Ang pagpapasuso sa loob ng kalahating taon o higit pa ay nakababawas ng tsansang magkaroon ang isang ginang ng sakit na diyabetes, ayon sa isang pag-aaral na inilabas nitong Miyerkoles.

Ayon sa pag-aaral, nababawasan ng 47 porsiyento ang tsansa ng mga babae na magkaroon ng Type 2 diabetes kapag sila'y nagpasuso sa loob ng anim na buwan o higit pa.

Para naman sa mga nagpapasuso ng mas mababa sa anim na buwan, nasa 25 porsiyento ang bawas ng tsansang magkaroon ng nasabing sakit.

"We found a very strong association between breastfeeding duration and lower risk of developing diabetes," sabi ng pangunahing may-akdang si Erica Gunderson, senior research scientist sa Kaiser Permanente.

ADVERTISEMENT

("Nakahanap kami ng koneksyon sa tagal ng panahong nagpapasuso at sa mababang tsansang magkaroon ng diyabetes.")

Nagkakaroon kasi umano ng epekto ang pagpapasuso sa mga hormon na kumikilos sa lapay, at nagkokontrol ng insulin at blood sugar.

Inilathala sa Journal of the American Medical Association Internal Medicine ang pag-aaral na isinagawa sa Amerika sa loob ng 3 dekada at nilahukan ng 1,200 babae mula sa iba't ibang lahi.

Mayroon nang mga paunang pag-aaral na nagsabing may iba pang pangmatagalang benepisyo ang pagpapasuso sa kalusugan, kabilang ang pagbaba ng tsansang magkaroon ng kanser sa dibdib at obaryo.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.