Paano maiiwasan ang pagkalunod sakaling lumubog ang sinasakyan?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maiiwasan ang pagkalunod sakaling lumubog ang sinasakyan?

ABS-CBN News

Clipboard

Members of the Philippine Coast Guard are seen conducting a water rescue drill at the Manila Bay in this file photo from 2012. ABS-CBN News

Sa mga nakalipas na taon, ilang bangka o barko na ang napabalitang lumubog habang bumibiyahe.

Sakaling mangyari ito habang bumibiyahe sa dagat, narito ang ilang payo ng eksperto para hindi lumubog at malunod.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa training director ng Lyceum International Maritime Academy na si Capt. Arnold Orence, maaaring pagitnaan ng dalawang may suot na life vest kung may kasama na wala nito.

“Mas mainam kung dalawa kayo na may life vest kumpara doon sa solo na ikaw lang ang magre-rescue, kasi ‘yung bigat ay nadi-distribute sa dalawang tao,” paliwanag ni Orence.

ADVERTISEMENT

"Doon lang kayo sa area [niyo]. 'Wag na kayong umalis doon. So kumbaga, isa-sandwich niyo na lamang ‘yung survivors,” dagdag pa niya.

Mainam aniya kung magkukumpulan kasama ang iba pang survivors para madaling makita ng rescuers.

"Ito ‘yung tinatawag nating huddle with others… Bubuo tayo ng isang grupo. Kung napapansin mo, dikit-dikit kami. Dikit-dikit ang aming mga katawan," ani Orence.

Makatutulong din ang posisyon na ito para malabanan ang hypothermia o ang pagbaba sa temperatura ng katawan dahil sa matagal na pagkakalubog sa tubig.

Kung mag-isa naman, maaaring gawin ang HELP o heat emission lessening posture upang mapanatili ang init ng katawan.

ADVERTISEMENT

"Usually 'yung init ng katawan ay lumalabas dito sa ating mga armpits, sa ating alak-alakan. So kung iyan ay naka-secure, nami-minimize ‘yung paglabas ng init sa katawan."

Puwede ring gawin ang dead man's float position para hindi maubos ang lakas habang nasa dagat.

Makatutulong din ang paggawa ng improvised flotation device gamit ang water containers.

"Dapat ay mahinahon ka lang para makapagdesisyon ka nang tama. So sa lumubog na bangka, may posibilidad na maraming floating objects, na mga bagay-bagay na lulutang-lutang diyan. Puwede mong gamitin ito para ikaw ay manatiling nasa ibabaw ng tubig," ani Orence.

May mga pagkakataon naman na nahahaluan ng gasolina ang tubig-dagat. Sa ganitong sitwasyon, iharap ang mukha kontra sa direksyon ng hampas ng hangin, payo ni Orence,

ADVERTISEMENT

“Puwede kang lumangoy pasalungat nang sa gano’n hindi ka mapunta sa area na kung saan ang tubig ay may gasolina o krudo,” aniya.

Para sa dagdag na ligtas tips, sundan ang "Red Alert" sa Facebook at Twitter.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.