ALAMIN: Mga pagkaing pampabuwenas sa Chinese New Year

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga pagkaing pampabuwenas sa Chinese New Year

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 23, 2020 08:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Enero 25, may mga tradisyon at pagkain na may espesyal na kahulugan at pinaniniwalaang magdadala ng buwenas para sa mga Tsino o sino mang susunod dito.

Ayon kay Maxie Tiu, feng shui expert at may-ari ng Charme General Merchandising, mahalagang sama-sama ang pamilya sa bisperas ng bagong taon para sa dinner.

Hindi umano dapat mawala sa hapag kainan ang isda.

Paliwanag ni Tiu, kapag isinalin sa wikang Chinese ang isda ay katunog ito ng salitang "labis" kaya pinaniniwalaang magiging sagana ang pamilya sa taon.

ADVERTISEMENT

"Importante may fish kasi ang fish 'nian nian you yu' o palaging may sobrang pagkain, sobrang damit, sobrang pera... Magkakaroon ng sobra taon-taon," aniya.

Mahalaga din daw ang pagkain ng anumang matamis.

"Tapos kakain tayo ng matamis, 'yung sweet lang, huwag maalat."

Kaya may prosperity cake o huat-ke na sinisimbolo ang kasaganahan. Hango ito sa nian-gao o new year cake na sinisimbolo ang pag-angat ng buhay taon-taon.

"Huat-ke is prosperity, ibig sabihin pera, then tikoy po dahil matamis, madikit ang family para harmony together," sabi ni Tiu.

ADVERTISEMENT

Ang dumplings, kahugis ang mga sinaunang ginto at sinasabing magdadala ng pera kaya masuwerte din daw ihain.

Habang ang misua naman ay kumakatawan sa hibla ng ginto na iniuugnay sa mahabang buhay.

Paalala ni Tiu, ang pampasuwerte ay mahalagang sinasabayan ng sipag, magandang kalooban, at mabuting pakikipagkapwa tao.

—Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.