Restoran sa La Union ube ang pangunahing sahog sa mga putahe

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Restoran sa La Union ube ang pangunahing sahog sa mga putahe

Maira Wallis,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa restoran sa Agoo, La Union, bida sa kanilang mga ulam ang sangkap na ube. Albert Manangan, ABS-CBN News

AGOO, La Union -- Karaniwang inaakalang panghimagas lang ang ube.

Pero sa restorang "Aroo Elyu," bida ang kanilang mga ulam na may sangkap na ube.

Ilan sa mga inaalok nilang ulam ay ang ube dinengdeng at pakbet bagnet na may ube.

Mayroon ding appetizer na white ube fries na sinamahan ng ube garlic ranch sauce.

ADVERTISEMENT

Hindi naman magpapahuli ang kanilang shake at inuming gawa sa ube halaya.

Binabalik-balikan ito ng mga kostumer, gaya ni Marieta Mamaril.

"Kakaiba, parang feel at home ka, parang nasa bahay ka kasi," ani Mamaril.

Ayon sa manager ng restoran na si Nelvin Nieva, pawang tanim ng mga residente sa Barangay Macalva ang mga kinukuhang ube ng kainan.

"Gusto rin naming i-promote 'yong produkto ng isang barangay kaya gumawa kami ng related doon sa ube. Iyon kasi ang dine-develop na produkto ng LGU (local government unit)," ani Nieva.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.