Paano makatutulong sa taong 'nawalan ng pag-asa'?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano makatutulong sa taong 'nawalan ng pag-asa'?

ABS-CBN News

Clipboard

Pakikinig at pagbibigay ng mga positibong pahayag ang ilan sa mga susi para makatulong sa mga taong tila nawalan na ng pag-asa, ayon sa isang life coach.

Sa programang "Sakto" ng DZMM, nagbigay ng payo si Angelo "Boost Gio" Bañaga, na isa ring motivational speaker, para sa mga taong nais tumulong sa mga kakilalang may pinagdadaanang problema at mistulang wala nang pag-asa.

"Gusto lang naman ng karamihan ng may pinagdadaanan is may makinig sa kanila kasi minsan 'di sila pinapakinggan ng family or friends nila," sabi ni Bañaga.

Sa halip din daw na deretsong magbigay ng solusyon, mainam daw na pumulot ng mga tanong mula sa kuwento ng taong namomroblema hanggang sa makabuo ito ng solusyon sa problema nito.

ADVERTISEMENT

"Ibabalik mo lang sa kaniya 'yong kuwento para maramdaman noong tao na nakikinig ka talaga then afterwards magtanong ka lang ulit, tapos hayaan mo lumabas 'yong solusyon na galing sa kaniya," ani Bañaga.

Ipinayo rin ni Bañaga ang paggamit ng mga positibong salita para mapasigla ang pananaw ng taong may problema.

"'Yong word na mga positive talaga to lift up 'yong spirit niya," aniya.

Base sa kaniyang karanasan bilang life coach, madalas daw na dahilan kung bakit nakararamdam ang mga tao, partikular ang mga kabataan, ng kawalan ng pag-asa ay pressure sa pag-aaral at mga kaibigan, at bullying o pang-aapi.

Huwag din daw pilitin ang mga tao na magkuwento ukol sa kanilang mga problema dahil mahalaga rin umano na ina-acknowledge o inaamin nila sa sarili na may problema sila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.