Mga tagapanood ng ABS-CBN sa GenSan, nagpakita ng supporta

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga tagapanood ng ABS-CBN sa GenSan, nagpakita ng supporta

Kent Abrigana,

ABS-CBN News

Clipboard

GENERAL SANTOS CITY - Marami ang nalungkot habang pinapanood ang huling pag-ere ng TV Patrol sa himpapawid nitong Martes ng gabi.

Kasunod nito ay ang pag-sign-off ng ABS-CBN Channel 2. Naging parte na pamilyang Pilipino ang mga programa ng ABS-CBN para makapaghatid ng saya at impormasyon saan mang dako ng mundo.

Nagbigay ng supporta ang mga Kapamilya na sumusubaybay sa mga programa ng ABS-CBN. Si Jeany Castro na isang barbero, labis na nadismaya nang malamang hindi na niya makikita tuwing tanghali ang kanyang paboritong programa na It's Showtime. Aniya, nawawala ang pagod niya sa trabaho as tuwing napapanod ang mga paandar ni Vice Ganda.

"I support 'No To ABS-CBN Shutdown' kasi hindi na talaga namin mapapanood ang kanilang mga program tulad ng Showtime. Idol talaga naming si Vice Ganda. Mami-miss talaga namin ang pagiging kwela niya. Siya ang aming stress reliever kasi sa tuwing nanonood kami ng It's Showtime, nawawala talaga ang aming stress sa trabaho. Kinasanayan narin naming manood tuwing tanghali," sabi ni Jeany.

ADVERTISEMENT

Ang karinderia owner na si Chanda Glenogo, pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ang programa ng ABS-CBN na TV Patrol at TV Patrol South Central Mindanao. Ito na raw ang naging sandalan ni Chanda para sa mga maiinit na balita sa bansa at sa South Central Mindanao. Kaya labis ang kanyang lungkot nang malaman ang pansamantalang pamamaalam ng Channel 2 sa ere.

"I support 'No To ABS-CBN Shutdown'. Masakit sa damdamin kasi hindi na namin mapapanood ang mga paborito naming palabas. Magmula ng ipatupad ang lockdown, marami kaming natututunan dahil sa TV Patrol at TV Patrol South Central Mindanao. SOCCSKSARGEN Region kasi ang scope niya kaya napapanood din namin ang kalagayan ng mga kamag-anak namin sa ibang parte ng rehiyon," aniya.

Naging ilaw at sandigan naman para kay Ronie Perante Jr. ang ABS-CBN sa pag-abot sa matagal nang minimithing hustisya para sa kanyang amang mamamahayag na kabilang sa mga nasawi sa Maguindanao Massacre noong 2009. Siyam na taong gulang pa lang noon si Ronie nang maganap ang karumaldumal na pagpatay.

"Hindi ako sang-ayon sa pagpapasara sa ABS-CBN dahil marami na silang natulungan. Maraming programa ang ABS-CBN na hindi lingid sa kaalaman ng ilan pero marami itong natutulungan. Isa na ako 'dun. Ako ay anak ng isang mamamahayan na kabilang sa mga nasawi sa Maguindanao Massacre. Isa sila sa aming naging sandigan at nagpalakas sa aming mga loob. Sila rin ang aming naging takbuhan sa mga panahong hindi namin alam ang gagawin," aniya.

Tatlo lang sina Jeany, Chanda at Ronie sa mga Pilipinong naging parte ang ABS-CBN sa kani-kanilang kwento. Nananawagan sila sa mga kinauukulan na sana ay maibalik na sa ere ang estasyong naging tagapag-hatid ng mga kwentong Pilipino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.