Ano ang dapat isuot sa job interview?
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang dapat isuot sa job interview?
ABS-CBN News
Published May 19, 2017 05:37 PM PHT
|
Updated May 19, 2017 10:06 PM PHT

Sa isang job interview, pinakamahalaga umanong gumawa ng magandang impresyon sa interviewer sa loob ng pitong segundo, kaya importanteng pag-isipang mabuti ang isusuot sa araw na ito.

"I cannot stress the importance of first impressions. First impression happens during the first seven seconds. Imagine that. You've worked all your life to get that job interview, and yet people would judge us in the first 7 seconds. 'Yung 7 seconds na 'yan, people would usually look at you from top to bottom. The way you stood up... the way you shook their hand, the way you smiled… lahat 'yun," ayon kay Abbygale Arenas-de Leon, isang image consultant, corporate trainer ng 20 taon, at dating beauty queen.

Maaaring hindi pa man nagsasalita ang aplikante, naipapahayag na sa kasuotan at sa pagdadala ng sarili ang klase ng trabahong nais pasukan, maging ang suweldong nais matanggap, kaya mahalaga umano ang power dressing, o ang nararapat na pagbibihis.

"Wala sa pinag-aralan. Wala sa kakayahan. People are judgmental, lalo na 'yung nag-i-interview. They put you in a position depende sa packaging. The outfit that we wear states what we want people to see. Same person pero different packaging, and the salary changes dramatically," dagdag ni Arenas-de Leon.

Narito ang ilang tips para makapagdamit nang naaayon sa trabahong nais pasukan:

TAMANG AYOS NG BUHOK AT MAKE-UP
Hawiin ang buhok palayo sa mukha. Mainam kung maipupusod ito.

Sa pagme-make up naman, kailangang panatilihing neutral ito upang magmukhang fresh. Sa mga lalaki, importante umano na walang suot na make-up.

[BOLD] MAGBIHIS NANG MAS MAGARA SA NAKASANAYAN

Dapat malinis ang suot.
Dapat malinis ang suot.
ADVERTISEMENT
Kung maaari, suit ang isuot. Kung hindi naman, long-sleeved na damit na may collar.

Hindi rin dapat nakagugulo sa interviewer ang isusuot, gaya ng mga dangling na hikaw. Sa damit naman, huwag magsuot ng napakaikli.

SA PAMIMILI NG DAMIT, ISIPIN DIN ANG KALIDAD NG BIBILHIN.
Sa babae, maaaring makabili ng blouse na may collar, at isang konserbatibong skirt. Maaari pa itong ulit-ulitin at ipareha sa iba pa. Nagkakahalaga ito ng P800.

Maaari namang bumili ng buttoned down shirt na nagkakahalaga lang ng P200-450 sa mga mall sa Divisoria. Maaari ring makabili ng murang pantalon, sinturon, at kurbata roon. Para mas magara, dagdagan ito ng blazer. Makabibili ng suit jacket sa halagang P800.

Kung may dapat paglaanan ng mas malaking budget, ito ay ang classic white buttoned down shirt para sa babae at lalaki.

Puwede pang tumawad lalo na kung marami ang bibilhin.

PILIIN ANG DAMIT NA KOMPORTABLE SA IYO.
Humanap ng kulay na babagay sa sarili, at piliin kung saan mas maaliwas ang mukha.

Kung hindi naman ito ang istilo ng iyong pananamit, puwedeng 'tiis-ganda' muna upang makuha ang pinapangarap na trabaho.

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT