Tipid tip para sa pasukan: Recycled notebooks

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tipid tip para sa pasukan: Recycled notebooks

ABS-CBN News

Clipboard

Ngayong nalalapit na ang pasukan, tiyak na naman ang gastos para sa mga magulang at mag-aaral na nais bumili ng panibagong school supplies.

Pero may mga paraan naman upang maiwasan ang paggastos, gaya ng pagresiklo ng mga hindi pa nagagamit na school supplies.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa programang "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, nagbahagi si Christy Bernardo, ina ng child actress na si Xia Vigor, ng paraan ng pagbuo ng "recycled notebook."

Narito ang mga kakailanganing materyales:
• Mga hindi pa nagagamit na pahina mula sa lumang notebook
• Yarn o shoelace
• Mga pahina ng mga magasin o gift-wrapper

ADVERTISEMENT

Una muna ay pagsama-samahin ang mga pahina mula sa lumang notebook na hindi pa nagagamit.

Gamitin ang yarn o shoelace upang matahi ang mga pahina.

"Minsan may mga shoelace na wala nang kapares, puwede nating gamitin instead of yarn. Parang mas matibay nga siya kasi makapal," ani Bernardo.

Kung puro sulat o halos sira-sira na ang cover ng notebook, maaari itong balutan ng lumang magasin o gift-wrapper.

Hinimok din ng hosts ng "Magandang Buhay" ang mga manonood na huwag basta-basta itapon ang mga librong nagamit na sa paaralan.

ADVERTISEMENT

Sa halip ay puwede itong i-donate para mapakinabangan ng ibang bata.

"Imbes na nakatambak, i-donate niyo na lang... para mai-share din natin 'yong mga kaalaman na nabasa natin sa books na iyon," sabi ni Melai Cantiveros.

Isang halimbawa ng mga tumatanggap at namimigay ng lumang school books ay ang "Programa Genio" ng ABS-CBN Foundation.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.