Naiwang mga bagong biling gadget, isinauli ng tricycle driver sa Laoag

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Naiwang mga bagong biling gadget, isinauli ng tricycle driver sa Laoag

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

Isinauli ng tricycle driver na si Nestor Domingo Jr., 32, ang naiwang mga bagong biling gadget ng kaniyang pasahero nang walang kinakailangan na pasabi. Grace Alba, ABS-CBN News

LAOAG - May gagamitin nang mga bagong tablet gadgets ang magkakapatid na Karol, Marie Claire, at Jhanela Magno ng Barangay 57 sa lungsod na ito para sa inaasahang online class ngayong Agosto.

Mula sa sentro ng lungsod, pauwi na ang ina nila na si Karen nitong Biyernes nang maiwan niya ang mga bagong biling tablet sa sinakyan niyang traysikel. Higit P15,000 ang kabuuang halaga ng mga ito.

Hinanap ng ina ang sinakyang traysikel. Pero dinala na pala ng 31-anyos na tricycle driver na si Nestor Domingo Jr. ang mga ito sa kanilang bahay para ibalik sa may-ari.

“Pauwi na ako noon pero nag-meryenda muna ako at nang buksan ko ang tool box ay nakita ko ang dalawang tab na naiwan kaya agad ko itong ibinalik," ani Domingo. Si Karen ang huli niyang pasahero sa araw na ‘yon.

ADVERTISEMENT

“Hindi ko naman pagi-interesan ang mga bagay na hindi ko pinagpaguran at hindi sa akin."

Lubos ang pasasalamat ni Karen kay Domingo.

“Nagpapasalamat ako kasi nakahanap ako ng katulad niya na may mabuting puso. Hindi ko man mapapalitan ang kabutihan mo sa ibang tao, sana ipagpatuloy mo ang ganitong ugali. Ang Panginoon ang siya nang magbibigay ng gantimpala sa’yo," ani Karen, na mag-isang itinataguyod ang mga anak.

Ayon kay Karen, ang ginamit na pambili sa mga gadgets ay bigay ng kanilang lola bilang regalo sa kanila para higit pang pagbutihin ng mga apo ang kanilang pag-aaral.

“Importante ang mga tablet na ito dahil kailangan ng mga anak ko sa kanilang pag-aaral. Kasi kung wala na ang mga ‘yon -- kasi tatlo silang mag-aaral -- ay hindi ko na alam kung paano," sabi ng nanay.

Bilib naman ang punong barangay na si Melvyn Santos sa kabutihang ipinapakita ni Domingo.

“Talagang mabuting tao ‘yan. Matapat sa kapwa. Dating construction worker. Responsible sa pamilya at kahit nasa ibang bansa ang nanay at tatay niya ay hindi siya palaasa, nagta-trabaho siya," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.