'Paulit-ulit na balakubak, maaaring sintomas ng HIV'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Paulit-ulit na balakubak, maaaring sintomas ng HIV'

ABS-CBN News

Clipboard

Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagpapasuri para magkaroon ng early detection o malaman agad ng isang pasyente kung may human immunodeficiency virus (HIV) siya.

Hindi kasi tulad ng ibang sakit, maaaring hindi agad magkaroon ng sintomas ang taong may HIV.

Minsan, lumalabas na lang ang mga sintomas kapag nasa advanced stage na ng HIV na tinatawag na Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS).

Ayon kay Dr. Mar Cruz, chairman emeritus ng dermatology department ng East Avenue Medical Center, isa sa mga maituturing na maagang sintomas ng HIV ang tila di nawawala o paulit-ulit na balakubak.

ADVERTISEMENT

“Ang HIV, pangkaraniwan na nakikita namin, magugulat kayo, may balakubak. Kapag may balakubak, paulit-ulit tapos punta kayo nang punta sa dermatologists, o kung kani-kanino, kapag sinabi namin ‘Puwedeng magpa-check ka ng HIV?’ ‘Bakit po? Balakubak lang ho iyan e.’ Pero iyon ang unang-unang nakikita namin,” ani Cruz.

Bukod sa balakubak, kapansin-pansin din sa taong may HIV ang ‘dry skin’ o panunuyo ng balat.

Naglalabasan din ang iba’t ibang kondisIyon sa balat tulad ng pigsa o psoriasis.

“Sa balat makikita mo parang madumi, dry ‘yong balat pagkatapos parang makikita mo parang ang daming kagat ng lamok,” paliwanag ni Cruz. “Ang sakit na nagpapakita sa balat, marami e. ‘Yong psoriasis lumalabas… Tapos minsan maraming bacterial infection… Nagkakaroon ng pigsa.”

Dagdag ni Cruz na karaniwan ding umuulit ang kaso ng “herpes” sa taong may HIV.

ADVERTISEMENT

Maaaring lumabas ang herpes bilang blisters o singaw sa bahagi ng labi o kaya’y sa ari.

Paliwanag ng doktor, nangyayari ito sa taong may HIV dahil na rin unti-unting humihina ang immune system o ang natural na kakayahan ng katawan para labanan ang mga sakit.

Kaya naman mahalagang makapagpa-test agad para malaman kung may HIV.

Ayon pa kay Cruz, wala mang lunas sa ngayon ang HIV, mayroon namang antiretroviral drugs na magpapababa ng “viral load” ng isang taong may HIV. Libreng ibinibigay ng DOH ang antiretroviral drugs.

Oras na lumakas na ang immune system ng taong may HIV, unti-unti na ring umaayos ang kondisiyon ng kaniyang balat.

ADVERTISEMENT

Ayon din kay Cruz, may mga pagkakataong maaaring magkaroon ng allergic reaction ang isang pasyente sa antiretroviral drugs kaya kung minsan ay sinusuri muna kung sa anong partikular na gamot nagkakaroon ng reaksiyon ang pasyente at aalisin ito sa kaniyang treatment o kaya’y papalitan ng iba.

Pibulaanan din ni Cruz ang ilang haka-haka kung paano nahahawa ng HIV, tulad ng sa laway.

“Hindi nakakahawa. Maski isang drum [ng laway],” ani Cruz.

Hindi rin aniya nakakahawa kahit pa gamitin ang utensils o ang kutsara’t tinidor ng taong may HIV.

Mayroon ding sinusubukang gamot ngayon sa bansa na pang-iwas na mahawa sa HIV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.