P20K ambag ni 'Anonymous' sa piso-piso drive para sa batang nagsi-seizure
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P20K ambag ni 'Anonymous' sa piso-piso drive para sa batang nagsi-seizure
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 03:03 PM PHT

Idinaan sa social media ng isang nanay ang panawagan para matulungang maipagamot ang anak.

Ibinahagi sa Facebook ni Jeross Abines ang paghingi niya ng tulong para sa pitong taon gulang na anak na si Maria Zxyra na nakararanas ng focal seizure.

"Sa mga may mabuting kalooban, sana kahit piso-piso mula sa puso po para makaipon," saad sa post ni Jeross.

Ayon kay Jeross, madalas makaranas ng seizure ang anak. Ngumingiwi ang mukha nito at naninigas ang mga kamay at binti sa tuwing aatakihin ng seizure bago matulog sa gabi.

Hindi pa matukoy kung ano ang puno’t dulo ng sakit dahil hindi pa nila mapagawa ang mga kinakailangang eksaminasyon dahil sa kakulangan ng pera.

"Ang sabi po sa amin ng doktor, ipapa-EEG daw po namin or MRI. Eh wala po kaming sapat na pera sa gano'n," dagdag niya.

Nagde-deliver ng tubig ang kaniyang asawa samantalang wala rin naman aniya siyang halos kinikita bilang online seller kung kaya nahihirapan silang mag-asawa na matustusan ang gamot ni Zxyra na malaking bagay para humupa ang seizure ng anak.

"Kasi magkano lang po rin ang tubo namin, 10 hanggang 30 pesos po," kuwento ni Jeross.

"Last na po kasi talaga 'yan, kaya naghahagilap po talaga ako," dagdag niya tungkol sa natitirang kaunting gamot ng anak na nagkakahalaga ng P2,124.

Upang makatulong, isang hindi na nagpakilala ang nag-abot ng P20,000 kay Jeross sa kanilang tahanan sa Caloocan City para sa kinakailangang gamot ng anak at iba pang gastusin ng kaniyang pamilya.

Labis ang pasasalamat ni Jeross sa donor para sa hindi inaasahang biyaya.

"Mayroon na po akong panggamot para sa anak ko, tsaka may pang-MRI na po kami. Malaking tulong ito para sa amin."

Read More:
Happy Anonymous
Anonymous
focal seizure
helping
MRI
Caloocan City
health
public service
good vibes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT