RECIPE: Porbidang Kangkong

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Porbidang Kangkong

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Kilalang pagkain sa Bacolod City ang porbidang kangkong, isang putaheng pinakuluan sa sili at gata.

Kung gusto ng maanghang at masustansiyang pagkain ngayong araw, maaari mong subukang lutuin ang porbidang kangkong.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Jumon Pacheco para ibahagi kung paano magluto ng porbidang kangkong.

Narito ang mga sangkap:
• Kangkong
• Pasayan (hipon)
• Gata ng niyog
• Guinamos (Ilonggo bagoong)
• Vegetable oil
• Bawang
• Sibuyas
• Asin
• Paminta
• Puting asukal
• Luya
• Tubig

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Pakuluan ang isang tali ng kangkong sa tubig sa loob ng 3 minuto

Sa isang kawali, maggisa ng bawang, sibuyas at luya.

Lagyan ng guinamos.

Ilagay ang gata ng niyog at hintayin itong kumulo.

Isunod ang hipon, paminta, at asukal.

Ilagay ang purong gata kasabay ng pinakuluang kangkong.

Maaari nang ihanda ang porbidang kangkong.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.