TIPS: Paano malalaman kung 'botcha' ang nabiling karne | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Paano malalaman kung 'botcha' ang nabiling karne

TIPS: Paano malalaman kung 'botcha' ang nabiling karne

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagbigay ng tips ang isang chef kung paano matukoy na botcha ang nabiling karne, partikular sa pagtingin sa kulay at pag-amoy dito.

"Kapag namumuti. Namumutla, parang kapag may namatay na tao, ganun din ang meat... Tingnan pa lang natin sa kulay," ani Thess Espiritu sa programang "Sakto" ng DZMM.

Nangangamoy din ang karneng botcha, kahit pa man lutuin ito para maalis ang masangsang na amoy.

Para sa karneng baka, dapat daw ay mamula-mula ito para masabing sariwa.

ADVERTISEMENT

Kung manok naman ang bibilhin, dapat "cream" ang kulay nito.

Kapag mamimili naman ng isda, dapat masuri kung madulas ang katawan nito at kulay pula ang kaniyang hasang o gills.

Dapat namang kulay pink ang binibiling karneng baboy.

Payo ni Espiritu, mainam na gumising nang maaga para mamalengke at makuha ang mga sariwang produkto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.